Chapter 01: Last Dance
"Alisterille? Are you done combing your hair? Your dad and brothers were waiting downstairs. We can't be late for your brother's friend's party, alright?"
My eyes twinkled when I heard my mom's voice outside my room. It didn't take long, and my door opened. She smiled at me when she saw me, so I smiled back at her. I nodded and ran over to her, carrying my toy bear. She took my little hand in hers and we walked down the stairs together.
I sing the twinkle, twinkle, little star that my teacher taught me in school as we walk down the stairs. My mom was singing with me, so I giggled.
She told me that Kuya Acheron's friend invited us to his birthday party, so we are going there tonight. My brother doesn't really bring his friends home, I mean, rarely, so I am not familiar with him. I am not interested in his friends anyway.
I was busy inside our car while playing with my Kuya Leon and Kuya Eros. Mom was sitting in the front seat while Dad was in the driver's seat. Kuya Acheron was quietly watching me.
Mabuti na lang, Lola Amelia isn't here kaya nagagawa ko ang gusto ko. She's in Manila for a vacation. She's really scary!
I couldn't help but be amazed when we finally entered the big house! It is as big as the castle in the movie I saw last night! Though our house is bigger than this.
Hila ako ni Kuya Eros sa palapulsunan habang nag lalakad kami. Medyo bumabagal pa ako dahil abala ako sa pagtingin sa paligid kaya medyo nahuhuli na kami kina mama at papa na ngayon ay nasa unahan na namin.
Natahimik lang ako ulit nang makakita na ako ng sobrang daming tao. They are all look so formal and expensive. Except me because of my pink glittery dress.
Naiwan kami ng mga kapatid ko sa isang table kung saan kami hinatid kanina nung isa sa mga katulong. Abala na sina Mama at Papa sa pakikipag-usap sa iilang mga taong lumalapit sa kanila kanina pa. Their faces were familiar to me pero hindi ko sila kilala. Maybe because I saw them somewhere else before, but I couldn't remember.
Naagaw ng isang chocolate fountain ang buo kong atensyon na nakapatong ngayon sa isang malaki at mahabang lamesa kasama ang iba pang mga pagkain. Natakam ako bigla.
Nilingon ko si Kuya Acheron na ngayon ay abala na sa pakikipag-usap sa isang lalaking sa tingin ko ay kasing-edad lang din ni Kuya Eros. Si Kuya Leon naman ay abala na rin sa isang babae na dapat ay dadaan lang pero hinarang niya para makausap. Si Kuya Eros naman, lumapit kay mama at papa nang tawagin siya ng mga ito para ipakilala sa iilang matatandang naroon.
Imbes na pansinin ko pa sila na pare-parehong abala, tahimik akong pumailalim sa lamesa. Sandali ko pang silang sinilip at nang masiguradong abala pa rin sila ay agad akong kumaripas ng takbo palapit sa table na iyon kung saan ko nakita yung chocolate fountain kanina.
Lalo akong natakam nang maamoy ko iyon nang malapitan!
Sumabay ako sa isa pang bata na abala na ngayon sa pagkuha ng marshmallow sa sarili nitong paper plate. Pagkatapos ay tsaka niya iyon isinawsaw sa chocolate fountain.
I watched her do it, and then when I finally got it, I nodded and tried to imitate her.
Yum!
Hindi ko alam kung nakailang ulit ako pero wala na 'yong batang babae sa tabi ko kanina. Nanatili pa rin ako sa harapan ng table na iyon.
"Baka maubusan ang mga bisita."
Gulat akong napalingon sa nag salita sa gilid ko. Batang lalaki na mukhang mas matanda ng ilang taon sa akin. He was wearing a formal black tuxedo.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Teen FictionHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...
