Chapter 33: Going home
"Come on, Ali! pareho tayong may trabaho bukas. Hindi tayo pwedeng umabsent!"
Pilit akong hinihila ni Rowan. Hindi niya ako makaya kaya nag patulong pa siya kay Bianca pero nabigo pa rin silang dalawa.
Hindi ako nag patalo. Nang mabitawan nila ang mga kamay ko ay nag patuloy ako sa pag sasayaw, sinasabayan ang nakakaindayog na kanta sa loob ng The Palace. Maingay at masaya dahil sa mga taong abala sa sarili nilang mga mundo.
"Look, pinsan ko ang boss ng kumpanyang pinapasukan natin kaya ayos lang kung a-absent ako bukas." tumawa ako, lasing na.
"Yeah, and how about us?"
Tumaas ang kilay ni Rowan habang tinuturo niya ang sarili niya at si Bianca na ngayon ay nakapamaywang na sa akin.
"Alright." ngumisi ako kahit naapupungay na ang mga mata ko.
Isinabit ko ang mga kamay ko sa leeg no Rowan. Humagalpak agad sa tawa si Bianca nang makita kung paano ako pandirian ng kaibigan namin lalo na nang inilapit ko sa kaniya ang mukha ko.
Gusto niyang kumawala pero hindi ko siya hinayaan.
"Give me a kiss first and after that, we'll go home." I pouted in front of him, waiting for him to kiss me but he just screamed like I was abusing him.
Narindi ako sa tili niya kaya tinulak ko na siya palayo sa akin. Umirap ako.
"Yuck! go kiss the floor instead! hindi tayo talo, teh!" kunwari siyang naiiyak habang pinapaypayan ang sarili niya. Si Bianca naman ay halos mamatay na kakatawa.
Napailing na lang ako at dinampot ang bote ng black label na nasa lamesa namin tsaka ko iyon tinungga na parang tubig lang ang iniinom ko.
"No kisses?" pumungay ang mga mata ko nang lingunin ko ulit ang mga kaibigan ko. "Fine, then. Hindi ako uuwi. Just leave me here alone. I want to enjoy."
"Oh my god, girl? huwag ka nga mag panggap diyan na parang jowa kita! kilabutan ka nga!" hinaplos ni Rowan ang braso niya na para bang kinikilabutan talaga siya.
I feel offended! gaanon niya ba kaayaw sa akin? I mean, he's gay and I understand it pero grabe naman siya kung makapangdiri sa akin na parang wala kaming pinagsamahan ng ilang taon sa trabaho!
"You're so mean! lalaki ka pa rin naman, ah!" I pouted.
"You're right. Lalaki ako na lalaki rin ang gusto! tse!" nalaglag ang panga ko nang irapan niya ako bago lumagok ng alak na nasa baso niya.
Inawat ako ni Bianca nang matapos siya sa pag tawa pero panay pa rin ang putak ni Rowan kaya gumaganti rin ako. Para kaming mga bata na nag aaway dahil sa isang candy.
Nahinto lang ako nang huminto rin silang dalawa. Nagtaka pa ako dahil tumagos ang mga paningin nila sa likuran ko kaya napalingon din ako doon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Yorick na papalapit na sa gawi namin.
Hindi pa ako nakakapag iwas ng tingin ay nahagip na niya ang mga mata ko.
"A-Anong ginagawa mo rito? I thought you're going to attend a conference?" tanong ko nang makalapit siya.
Binati niya pa muna ang mga kaibigan ko nang nakangiti bago ako pinagtuunan ng pansin.
"I cancelled it. You're friends called me, asking for my help dahil ayaw mo raw huminto sa pag inom. You're refusing to go home." tinaasan niya ako ng kilay.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Fiksi RemajaHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...
