15

1K 20 2
                                        

Chapter 15: Suyo

Warning: SPG


"Ali? it's time to eat."

Tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sa buo kong katawan at nilingon ang pintuan ng kwarto nang marinig ko doon ang katok ni Kuya Leon.

"I'm full! I don't want to eat!" sigaw ko at nag talukbong ulit ng kumot.

Akala ko ay titigilan na niya ako matapos kong isigaw iyon pero nang marinig ko ang pag bukas ng pintuan ay agad kong ipinikit ang mga mata ko.

"What the fuck do you mean you're full? you didn't even eat your breakfast. Ang sabi rin ni Manang Imelda hindi ka pa raw nagpupunta ng kusina."

Sinubukan niyang hilahin ang kumot ko pero hindi ako nag patalo at pilit na hinahawakan iyon para hindi niya ako makita.

Narinig ko ang pag buntong hininga niya nang huminto siya at sumuko pero mayamaya rin ay naramdaman ko na ang pag lubog ng gilid ng kama ko, senyales na naupo siya doon.

"Ali?" nanunuyo at naglalambing niyang tawag sa akin pero hindi ko pa rin inalis ang talukbong ng kumot sa katawan ko. "Are you alright? may nangyari ba? nandito si kuya, you can tell me everything."

Mahihimigan na ang pag aalala sa kaniyang boses pero hindi ko pa rin magawang umimik. Nanatili lang akong nakapikit.

Dalawang araw na yata ang nakakalipas simula nung gabing iyon. And I haven't see Hades yet. Hindi ko pa rin siya nakakausap. Nakikita ko ang ilan at sunod sunod niyang chats sa akin nung gabing iyon pero kahit isa doon ay hindi ko binuksan at binasa. Maging sa sumunod na araw ay ganoon ang ginawa ko sa mga messages niya.

Ayoko siyang kausap.

He's still trying his best to reach me pero lalo kong iniiwas sa kaniya ang sarili ko. Pati ang makipag usap sa kaniya ng personal ay pilit kong iniwas sa kaniya.

May kumalat na picture sa internet na kahalikan ni Hades ang babae iyon nung gabing makita ko sila. Someone took a picture of them and posted it on the internet kaya mabilis na kumalat. But I heard it's deleted now pero maraming pa ring nakakita. Maski ako ay nakita iyon nang gumamit ako ng twitter. Iniisp ng iba na siya ang babaeng tinutukoy ni Hades nung nag confess siya sa bar. Inako rin nung babae na may relasyon silang dalawa na agad na inayos ni Hades at ipinaliwanag ang totoong nangyari kaya maayos rin ang issue.

Maraming nagalit doon sa babae. She's a 3rd year college in BNU, an architect student.

"Ali? come on, atleast answer me. Pinag-aalala mo ako. Nag aalala na rin sina mama sayo dahil nung nakaraan ka pa nag kakaganiyan."

"I'm fine, Kuya. Just leave, please? I want to be alone." I begged.

"Hades is outside your room."

"What!?" agad akong napabangon dahil sa narinig ko mula sa kaniya.

Ngayon ay malinaw ko ng nakikita ang mukha ni kuya.

Is he fucking serious!?

"He's outside. Gusto ka raw niyang makausap. Nag away ba kayo?" napakunot ang noo niya.

"No, no! w-we're not! please, kuya! wag mo siyang papasukin rito." halos pabulong ko ng sabi, natatakot na baka marinig ako ni Hades kung sakaling nasa labas nga siya.

"Ano ba kasing nangyayari? is this about the issue?"

"B-Basta! just leave my room, kuya!" nag talukbong ulit ako at nahiga nang maramdaman ko an pag init ang mga mata ko.

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon