23

247 12 0
                                    

Chapter 23: Childish

Days have passed quickly. Hadies performance on new year's eve has become successful. We all got busy again when we got back to school.

We're back to our normal life when my cousins ​​get back to manila. Hades becomes busier at school and with his band.

Kapag weekend naman ay sa hotel niya ako natutulog at ihahatid niya ako sa mansyon tuwing linggo ng gabi. Ganoon ang schedule ko sa kaniya.

Simula nung kuhain sila ng Music Entertainment na iyon ay mas naging double ang gig at performances nila kaya mas nagiging doble rin ang kinikita at sinisikat nila. Sunod sunod ang gig nila sa iba't ibang klase ng lugar. At kapag wala naman silang schedule ay abala si Kuya Ace at Adonis sa photoshoot para sa kanilang modeling.

Pinag sasabay nila ang career at pag-aaral nila dahil ilang araw na lang ang natitira bago sila tuluyang makapag tapos.


Nakabusangot ang mukha ko nang matapos ang aming klase. Paano kasi ay nagkaroon kami ng group project. Nakakainis dahil ayaw maki cooperate ng isa kong ka grupo kaya ngayon ay ako pa ang namomoblema at nag hahabol. 



Ang iba kong kagrupo ay hindi na ako malapitan dahil alam nilang galit na ako.



Ang kapal naman ng mukha niya! as a member of the group project, may responsibilidad siya na kailangan niya ring panindigan! hindi naman yata tama yung porket ako ang leader ay iaasa na sa akin ang lahat!



Salubong ang kilay ko nang makarating ako sa parking lot kung saan naghihintay si Hades. May usapan kasi kaming susunduin niya ako ngayon. 



Umayos agad siya ng tayo nang makita ako.


"Are you alright?" natatawa niyang tanong nang makahinto ako sa harapan niya.



Sinamaan ko siya ng tingin. Agad niyang itinaas ang dalawa niyang kamay na para bang suko na agad siya. And then he gave me an apologizing look.




"What happened?" malambing niyang tanong.


Natigilan ako nang pumulupot ang kamay niya sa bewang ko. He then planted a soft kiss on my forehead. Ngumuso ako at kumalma.


"Just a problem with my group mates. Ako ang napiling group leader kaya ako ang namomoblema." umirap ako.


Niyaya niya ako pasakay sa loob ng kaniyang sasakyan. Hinayaan niya akong mag kuwento kaya naman inilabas ko lahat ng inis at galit ko. Tahimik naman siyang nakikinig sa akin at minsan ay mag bibigay pa ng comment.


Hindi maubos ubos ang rant ko sa kaniya hanggang sa makarating na kami sa Casa Al Juárez para dumiretso sa kaniyang unit.


"I mean, ano pang silbi niya kung sa akin niya iaasa lahat ng gagawin, hindi ba? I don't want to be rude but he's so fucking useless! he's such a dumbbell!" iritado kong sabi nang makaupo ako sa kaniyang sofa.




Nilapag niya ang bag kong kanina niya pa bitbit bago siya maupo sa tabi ko.


"You know what? I will not hesitate to remove him from the group. I will not be soft and go easy on him. I will make him suffer too! It's not fair for me as the group leader as well as for other members! nagpapakahirap kaming mag brainstorming tapos siya na wala namang ambag, magkakaroon ng grades? what is he? a freaking god?"

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon