Epilogue

2.1K 42 8
                                        

Epilogue



"That's all for today! nice work, everyone! see you tomorrow!" my manager clapped his hands to get everyone's attention.



Kakatapos lang ng photoshoot ko at wala na akong susunod na schedule para mamaya.



"You did well today, Hades." my manager tapped my shoulder.



Ngumiti ako at nag pasalamat rin sa kaniya.



Matapos makipag usap sandali ay bumalik na ako ng dressing room para makapag palit na ng damit.



Hindi tulad sa dati kong agency, malaya akong nakakagalaw rito. Nirerespeto nila ang privacy ko at maayos nila ako kung tratuhin. Hindi nakakasakal. Wala ring problema sa kanila kung magkakaroon ako ng karelasyon but I don't think I would want anyone else after her.



I didn't entertain anyone after breaking up with her.



I'm still working with Raya dahil nasa iisang agency na kami. Siguro ay nasakal rin siya sa dati niyang agency noon at sumuko na kaya naisipang lumipat.



Maliban sa kaniya, wala ng ibang babae na mas malapit sa akin. We're only close because we're working together for years now.



Tulad ng gusto niyang mangyari ay pinagpatuloy ko ang trabaho ko noon at nag patuloy akong abutin ang mga pangarap ko. 



I wouldn't be here if it weren't because of her. But I have another dream and plans now.



"Si papa at kuya?" tanong ko sa receptionist nang makarating ako sa Casa Al Juárez.



"Nasa opisina po si Mr. President kasama po ang papa ninyo."



Ngumiti ako at nag pasalamat bago dumiretso sa opisina ng kapatid ko.



Naabutan ko nga silang dalawa roon na seryosong nag uusap. Tungkol sa renovation ng resort. 



Bahagya akong yumuko kay papa nang mag tama ang paningin naming dalawa. Nang senyasan niya akong maupo sa bakanteng upuan na nasa harapan niya ay sumunod ako. Si kuya ay nakaupo sa swivel chair niya.



Huminga ako ng malalim. Ayoko na mag paligoy ligoy pa.



"I've decided. I'll accept your offer. I will replace my brother and handle the Casa Al Juarez,"



Natahimik silang dalawa at nagkatinginan. Nang lingunin ulit nila ako ay nakangiti na sa akin si papa. Tinapik niya ang balikat ko na para bang natuwa siya sa naging desisyon ko.



"Tatapusin ko lang ang huli kong project kasama si Raya and then I will resign from my agency. I have plans. They'll understand me. So train me if I have some free time. I want to know more about our business."



I've been thinking a lot about living my agency and quitting my job as an actor and musician.



I want to live a normal life. Iyong kasama siya. Kaya kung babalik ulit siya sa akin, gusto ko mag trabaho kung saan malapit ako sa kaniya.



Matagal na rin nila itong inaalok sa akin pero hindi ako makapag desisyon. At ngayon na sigurado na ako sa sagot ko, itutuloy ko ang mga plano ko.



Nakipag usap ako sandali sa kanilang dalawa tungkol sa negosyo na balang araw ay hahawakan ko na. Mas mabuti na ngayon pa lang ay handa na ako. Gusto ko na maging wais ang pag iisip ko pagdating sa negosyo.



This is an exclusive Beach hotel. Hindi ito basta basta madadaan sa simpleng desisyon. Kailangan talagang pag planuhan ang lahat bago gumawa ng galaw dahil isang maling galaw, mawawala at babagsak ang lahat ng pinaghirapan ni papa at ng kapatid ko.

Against The Waves (Silvero Series #01)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon