Chapter 02: Hades
"Alisterille Anastasia! Nasaan ka na bang bata ka?! Napakainit na ng panahon, pinapainit mo pa lalo ang ulo ko!"
I giggled while hiding my body at the back of mango tree. Maingat kong sinilip si Manang Imelda mula doon. Siya ang mayordoma ng mansyon na siyang sumama rin sa amin ni Calista noon sa Manila para mabantayan kaming dalawa. Siya na rin ang nag aalaga sa akin simula nung maliit pa lang ako.
"Lumabas ka na riyang bata ka! Pareho tayong malilintikan kay Senyora Amelia at Donya Alyana kapag nalaman nilang tumakas ka na naman ng mansyon!" na i-stress niyang sigaw ulit.
May limang bodyguard pa siyang kasama sa pag hahanap sa akin kaya lalo akong hindi nag pakita sa kanila.
Ilang sandali pa lang ang lumilipas nang tumakas ako sa kwarto ko ay naalarma na agad ang buong mansyon? Ni hindi pa nga ako nakakatapak sa labas ng gate.
It's been a week since my 18th birthday ended. Tapos na rin ang entrance exam namin ni Calista sa university na papasukan namin. Pareho kaming pasado na dalawa kaya wala na kaming dapat na problemahin pa.
Kinakailangan pala ng clubs or sports na sasalihan dahil required raw iyon. At dahil ilang taon rin naman akong kasama sa cheerleading squad when I was in highschool, I joined the BNU cheerleading. Black Mambas is the name of their squad. I saw their past history record! Ilang awards ang natanggap nila sa loob ng dalawang taon kaya lalo akong naging interesado.
Nakausap ko na rin ang cheerleader at naisama na nila ako sa kanilang group chat. Sa mismong first day daw ay magkikita kita kami para sa first meeting.
May dalawang linggo na lang bago ang pasukan. I just wanted to enjoy my remaining days! I was so bored inside our huge mansion dahil hindi ko magawang makipagkita kay Calista. Umuwi na raw kasi ang daddy niya galing abroad so she wanted to spend her time with her family.
As usual, nasa planta kuya Eros. Si kuya Leon naman ay lumabas na naman ng Hacienda para makipagkita sa kaibigan niya. Wala rin si kuya Ace kaya nauurat ako sa mansyon.
They all left me there alone kaya anong gusto nilang gawin ko? Tumunganga? No way!
Malapit lang sa dagat ang mansyon nina Tito Solomon pero hindi ko naman sila magawang puntahan dahil wala rin naman akong magagawa doon. May ilang araw pa bago umuwi si Solana kaya wala rin akong gagawin doon kung pupunta pa ako.
Wala akong ibang magawa rito sa loob ng hacienda kundi ang sumakay sa puti kong kabayo habang namamasyal pero nauumay na ako. I want to go outside this place too. I want to surf, rest on the shore while drinking buko juice, I want to fish. I want to experience everything outside this place.
Kung hindi si Cali ang dahilan ko sa pag labas ay hindi nila ako papayagan. I hate being followed by my lola's bodyguards kaya lagi ko silang tinatakasan.
I am not a kid anymore na kailangan pa ng mga taong susunod sa akin para bantayan ako buong magdamag.
Nang makalayo na si Manang Imelda kasama ang mga bodyguards ay agad na akong tumakbo palayo doon at dumiretso sa lugar na gusto kong puntahan.
I was just wearing a white dress and let my wavy long hair down.
Dahil tumakas lang naman ako sa mansyon ay hindi ko na naisipang makapag palit pa ng damit. Nagsisi agad ako dahil napuno na ng putik ang buo kong puting sapatos nang makalabas ako sa likurang tarangkahan ng hacienda na matagal nang sira at ipinasara. Wala akong choice kaya pinagkasya ko ang sarili ko doon.
Malapit ang daan na ito sa mansyon nina Solana pero hindi ako didiretso doon dahil alam kong doon ako unang hahanapin ni Manang Imelda at nung mga bodyguard. Uuwi at babalik rin naman ako mamaya bago lumubog ang araw.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Fiksyen RemajaHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...
