Prologue
"Tita Ali! You're back!"
I smiled when Alistair greeted me the moment I entered the condominium, allowing me to smell the familiar fragrance of the place. The one that I've always wanted to smell.
I took my niece in my arms and continued walking inside. And there I saw her mother, who was busy working in the kitchen. Mukhang kakatapos niya lang sa pagluluto.
"Oh, you're back? Kumusta ang lakad mo? Matutuloy ba ang pag uwi mo sa Batangas?" Catalina turned her head towards me when she saw my appearance coming.
Ibinaba ko naman muna si Alistair sa sofa para makalapit sa kusina dahil nakaramdam na rin ng uhaw ang lalamunan ko. Kanina ko pa ito tinitiis sa biyahe. Ayoko namang i-delay ang biyahe ko para lang makahanap ng maiinom dahil maiipit ako sa traffic. Grabe pa naman ang usad ng mga sasakyan ngayon sa EDSA.
"Yes," I responded to her question before emptying my glass, only to pour another batch of water. "I've already set my schedule. Bukas ng gabi ang balik ko sa Batangas."
"Wouldn't it be easier for you if you just asked your family's chopper to pick you up and bring you back to Batangas? Mas makakaiwas ka pa sa traffic."
"Ayokong maka abala sa mga taong naroon, Catalina. Tsaka, kaya ko naman nang mag-isa."
"Well, good for you. Mukhang handa ka na nga at kaya mo nang mag-isa." My cousin grinned teasingly as she gave me that meaningful look, so I rolled my eyes. She laughed.
Alam ko ang ganiyang mga tinginan niyang 'yan. Sa tagal naming mag kasama, kabisado ko na pinsan ko.
"I'm going home because my family needs me there." Hinarap ko siyang muli. "Tsaka, hindi naman pupwedeng habang buhay na manatili ako rito para lang matakasan ang mga bagay na kinakatakutan ko noon. It's been a years, Cat. I've moved on." Umawang ang labi ko.
"Moved on, huh? Whatever you say, then." Umangat ang gilid ng kaniyang labi na para bang hindi kapani-paniwala ang mga sinabi ko sa kaniya kaya kinunutan ko siya ng noo. "As far as I remember, Alistair was already a 9-month-old when I brought you back here in Manila."
I raised my eyebrows this time.
Teka, bakit ba ako ang pinupuntirya niya? Eh, parehas lang naman kami ritong may tinataguan!
"Kung tutuloy ka pauwi sa Batangas, paano yung trabaho mo rito kung ganon?" Mayamaya ay tanong ulit ng pinsan ko.
"I resigned from SRE." Walang alinlangan kong sagot.
Nahulog ang panga niya sa naging sagot ko, hindi makapaniwala sa narinig.
"What the hell, Alisterille? Are you for real? Sayang 'yon!"
"It's fine, don't worry about it. Makakahanap pa naman ako ng ibang trabaho. Tsaka, babalik na ako ng Batangas at hindi ko rin alam kung kailan pa ulit ako makakatapak ng Manila. They just can't leave the seat empty and wait for me to return. Maraming tao ang mas nangangailangan ng trabahong iyon kaysa sa akin." Umirap ako.
"Whatever, Alisterille. Do whatever you want. Buhay mo naman iyan." Umiling ang pinsan ko at ngumiwi. Halatang gusto akong pangaralan pero mas pinili na lang rin niyang manahimik.
"Naiintindihan naman ni Tito Dion at Tita Ino ang naging desisyon ko, same with Hestia and Raj kaya hindi na nila ako pinilit at kinulit pa tungkol doon."
Natawa siya bago ako winisikan ng tubig galing sa gripo ng lababo. Napatili ako at napailag bago pinunasan ang aking mukha.
Sabay kaming kumain kinatanghalian. Sakto namang dumating na rin si Hestia galing sa trabaho niya. Nakabusangot pa ang mukha dahil may nangyari na naman daw sa kompanya niya. And when I asked her about his brothers, I couldn't help but smirked.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Teen FictionHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...
