09

980 24 0
                                        

Chapter 09: Sports Festival


"Akala ko hindi ka pupunta." natatawang sinalubong ako ni Hades nang makarating kami sa back stage matapos ang kanilang performance. 



Pagkatapos nila ay may sumunod pang banda kaya maingay pa rin sa labas dahil sa sigawan at tilian.



Kami lang ang pwedeng pumasok dahil kilala kami ng mga performers. 



"Didn't I tell you? marunong akong tumupad sa pangako ko." I smirked proudly.



Matapos ko siyang makausap ay nakipagbatian rin ako kay Adonis. Hindi ko na magawang batiin si kuya dahil nakikipag landian na siya kay Cali. Si Achellus naman ay agad nag paalam at umalis. Hindi nakatakas sa akin si Solana na sumunod rin sa kaniya.



Nag-away ba silang dalawa?



Gusto ko sanang sumunod para makumpirma ang hinala ko but I respect their privacy. Ayaw pang mag kwento ng pinsan ko kaya hihintayin ko na siya ang unang mag salita. Pero tingin ko talaga ay may nangyayari sa pagitan nilang dalawa.



Matapos naming makapag paalam sa isa't isa ay naghiwa-hiwalay na rin kami ng daan. Balak pa sana naming kumain para mag celebrate pero may mga plano na pala sila. Nag text pa ako kay Solana na kontakin niya ako agad sa oras na makauwi siya sa kanila dahil talagang nag aalala ako sa kaniya.



As usual, Cali leave me again dahil may plano raw sila ni kuya Ace after the gig. Kaunti na lang ay makaramdam na ako ng pagtatampo sa kaniya.



But I think Kuya Acheron also loves what he was doing. His smile is very different every time Cali is around him. And I just can't stop my friend's happiness para lang sa sarili kong kagustuhan.



Mukhang masaya naman silang dalawa ni kuya at ayaw ko silang hadlangan.



Hindi ko maiwasang panoorin si Hades na naglalakad ngayon sa harapan ko. Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya.



Niyaya niya kasi ako na kaming dalawa na lang raw ang kumain. Hindi naman ako tumanggi dahil nakaramdam na rin ako ng gutom.



Duh? I stood there for a minutes and cheering them nonstop! ayoko sanang makisali sa kanila pero masyado akong nadala ng music. I admit it. It's fun and feels great.



"Saan mo gustong kumain?" tanong niya nang makarating kami sa harap ng kaniyang sasakyan.



"Uh, I'll leave the choice to you."



"How about... street foods? nasubukan mo na bang kumain ng street foods dati?"



"Yeah..." I nodded. "When I was in Manila with Calista. Pero isang beses lang. You know the small eggs and covered them with the orange thing... I forget the name but it looks like tangerine and it's really tasty especially when you eat it with sweet sauce or vinegar." I described the food I ate before.



"Kwek-kwek 'yon." humalakhak siya.



"Yeah! that!" kunwari akong natawa.



Damn it. I really forgot the name.



"Gusto mong kumain non?"



Tumango ako sa panibagong tanong niya. Ilang taon ko na ring hindi natikman iyon  dahil hindi ko alam kung saan ako maghahagilap ng lalo na at hindi ko naman alam kung anong tawag doon.



"Tara. May alam akong kainan ng kwek-kwek malapit rito." pinagbuksan niya ako ng pinto.



Ngumiti ako bago tuluyang sumakay ng sasakyan niya. Kahapon lang ay halos mag palamigan kami ng trato sa isa't isa pero kung makapag usap kami ngayon ay parang walang nangyari.

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon