Chapter 08: Only me
"You did well today, everyone! see you again on Monday!" Nova announced.
Kakatapos lang ng practice namin para sa ngayong araw. Hindi kami inabot ng gabi dahil may mga gagawin pa raw sila after our practice.
"Guys! how about let's eat outside? my treat!" nakangiting yaya ni Freya, kasama ko sa flyer team.
"G!" excited na sagot ni Alice na kanina lang ay abala sa pag re-retouch ng mukha niya.
I laughed when the girls also agreed to Freya's plan. The others were refused dahil kailangan na raw nilang umalis.
"Girls, I'm sorry! I can't go! I have a date with my boyfriend after this." Hanna who's also from the flyer team pouted.
"Sana all may ka-date!" sigaw nila at sabay sabay na nagtawanan.
Ilang araw pa lang kaming magkakasama ay malapit na agad kami sa isa't isa.
"I can't go too. Kailangan ko na rin umalis." pag singit ko nang maisabit ko ang duffel bag ko sa aking balikat.
"Weh? baka naman makikipag date ka lang rin sa captain ng basketball team slash band leader of Hadies! si Hades Aljuarez!" Zoey teased. He even poked my waist!
Nanlaki ang mga mata ko at agad na umiling sa kanila nang mag simula na silang asarin ako.
"Kayo na ba ni Hades? parang may something talaga sa inyo eh!" humalakhak ulit si Zoey.
"No, no! there is nothing going on between us! we... we just know each other because of our families and he's my brother's closest friend! that's all!" I explained. Iyon naman ang totoo!
I haven't see him after the dinner in our mansion. Ilang araw na yata ang nakakalipas simula noon at huminto rin siya sa pag punta rito sa gym.
Hindi ko naman siya kailangan dito. Nakakapanibago lang dahil ilang araw siyang hindi nagpapakita sa akin. Sa tuwing pupunta naman siya sa bahay para mag practice tumugtog kasama sina kuya ay hindi niya rin ako pinapansin. Nihindi niya nga ako tinitingnan.
I don't know what the hell happened to him. Nauntog siguro ang ulo niya sa kung saan at narealized na dapat hindi siya nanghihimasok sa buhay ko.
"Sus! ano ka ba, Ali? pare-pareho tayong mga babae rito. You don't have to be ashamed! lahat tayo rito ay minsan nang nahulog sa basketball player." inakbayan ako ni Irish na kanina pa nakatayo sa gilid ko tsaka niya ako kinindatan.
"Tama! maraming nahuhumaling kay Hades lalo na at talented siya. Gwapo, hot, matalino, dean's lister at higit sa lahat, may mabuting kalooban! nasa kaniya na nga yata ang lahat eh!"
Humawak si Zoey sa magkabilang pisngi niya na para bang pinagpapantasyahan niya si Hades.
Napakurap na lang ako nang sabay-sabay pa silang tumili at tila kinikilig.
"You know what, Ali? if you're dating Hades, I will stop liking him now! and I will be your no. 1 shipper!" kinikilig na nagtatalon si Freya na sinabayan naman nila.
They must be crazy thinking about Hades and I are dating.
"I swear we're not dating or what. We're not even friends or something." kunwari akong natawa.
"Hay nako, Ali! wala kang maloloko rito! lahat kami nahumaling rin kay Hades! Imposible namang hindi umerpekto sayo ang charm ni Hades. Huwag ka ng mag dahilan pa." humalakhak din ang isa pang member namin.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Ficção AdolescenteHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...