40

1.4K 19 0
                                        

Chapter 40: Against the waves



[Girl! oh my god! we missed you so much!]



Mangiyak ngiyak na boses ni Rowan ang bumungad sa akin nang tawagan ko ang group chat naming tatlo kasama si Bianca.



Ngumiti ako at umayos ng pagkakaupo sa wooden swing. Nasa garden kasi ako dahil dito ko napiling mag palipas ng oras.



Palubog na ang araw at nasa loob pa rin sina Kuya Acheron. They're practicing dahil tutugtog raw sila sa kasal nila ni Calista sa susunod na buwan.



Gusto ko rin sana silang panoorin dahil na excite ako nung malaman ko kung bakit sila imbitadong lahat rito pero baka imbis na makapag focus ako sa pagtugtog nila ay kay Hades matuon ang buo kong atensyon. Nahiya rin ako dahil sa nangyari  sa club na iyon kagabi.



Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya.



[Kumusta ka na diyan? hindi ka pa ba bibisita ng Manila?] nakangusong tanong ni Rowan kaya natawa ako.



[Gaga! kailan lang siya umalis pabalik ng Batangas tapos papabalikin mo na naman rito? paano kung ayaw na niyang bumalik ng Manila kasi nagsasawa na siya sa pagmumukha mo?]



Humagalpak ulit ako sa pagtawa nang mag simula na silang mag asarang dalawa. Nanatili ako sa garden at nakipag-usap lang sa kanila. Naikwento ko ang mga nangyari pero hindi ko binanggit ang tungkol kay Hades.



Madilim na nang maisipan kong bumalik sa loob. Masyadong naging mahaba ang pakikipag usap ko sa mga kaibigan ko dahil sobrang na miss ko rin sila.



Nauna na akong makapag dinner sa kanila kaya bumalik ako sa kwarto ko at naligo na. Nang matapos ay tsaka ko isinuot ang puti kong dress. Manipis lang ito kaya malamig sa katawan.



Dahil masyado pa namang maaga at wala pa akong ibang magawa ay naisipan kong bumaba ulit ng kwarto. Mag papaalam sana ako na mag papalipas muna ako ng oras sa tabing dagat para hindi sila mabaliw kakahanap sa akin. 



Natigilan ako nang maabutan ko silang apat sa dining area, abala sa pag uusap habang kumakain. Calista wasn't with them. Baka nasa kwarto na iyon ni kuya at nag papahinga na.



Natigilan silang apat sa pagtawa at sabay na nilingon ako. Napalunok ako nang mag tama ang paningin naming dalawa ni Hades.



Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at nilingon na lang ang kapatid ko.



"Kuya, uh, I'll go near the sea. Mag papahangin lang ako." paalam ko.



"Oh, yeah, sure." nakangiti siyang tumango sa akin.



"Where's Kuya Leon and Kuya Eros?"



"Leon was inside the firing range. Si kuya naman ay umalis sandali. May dadaanan lang raw."



Ako naman ngayon ang tumango sa kaniya. Nilingon ko si Achellus at Adonis. Ngumiti ako sa kanila at bumati. Sandali kong tinapunan ng tingin si Hades bago ako tuluyang tumalikod at dumiretso na palabas ng mansyon.



Kinuha ko si Silver sa kulungan niya. Nang makasakay ako sa kaniya ay tsaka siya nag simulang tumakbo.



Sa likod ng mansyon ako dumaan dahil mas magiging madali ang pag punta ko roon.



I was nervous when I finally saw the sea in the distance.



Itinali ko ulit si Silver sa kawayang naroon. Ngumiti ako at hinaplos ang noo niya bago lakas loob na tinahak ang puting buhangin patungo sa tabing dagat.

Against The Waves (Silvero Series #01)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon