Chapter 27: Fix
News today: Hades Vincent Aljuarez and Raya Angeles are in a relationship.
News today: Hades Vincent Aljuarez and Raya Angeles were both spotted having a good time in a bar last night.
Halos maibato ko ang telepono ni Cali nang ibinigay niya sa akin iyon para lang ipakita ang balita na kumalat tungkol kay Hades at Raya.
Someone saw them inside the bar last night. Right after their fucking Mall Show. Nakahawak si Hades sa bewang ni Raya habang may Ibinubulong na kung ano. Raya Angeles is just standing beside him, smiling. That's what I saw on the picture.
Umawang ang labi ko.
Everyone thinks that they are in a relationship. Just because of that?
Mga bobo!
Hades didn't even message or call me. I was waiting for him to explain at ngayon may bigla na lang kakalat na balita na mag kasama silang dalawa sa iisang bar kagabi?
The whole night, hindi siya nag paramdam.
Anong malay ko? baka sa mga oras na iyon na wala siyang paramdam ay baka mag kasama rin silang natulog dahil sa kalasingan nilang dalawa kagabi.
He's busy laughing and drinking with her forgetting that he has a fucking girlfriend.
Huminga ako ng malalim bago ibinalik kay Cali ang telepono niya. Kinuha ko ang orange juice ko at sumimsim doon. Nanatili akong tulala sa mga pagkain kahit na yung dalawa ay pinapanood ang buo kong atensyon.
"Baka naman misunderstanding lang?" ngumiwi si Solana. "You know Hades, Ali."
I know him? Do I really know him? I've been in a relationship with him for a year now. I don't think I really know him. Pakiramdam ko ay ang dami niyang sikreto.
Dahil sa mga nakita kong balita at mabasa ang mga sinabi ng tao tungkol sa kanila ay hindi ko na magawa pang makapag focus ulit sa mga lesson. I was so preoccupied that I couldn't understand what my professor's saying in front of us.
Nakikinig ako pero hindi ko naiintindihan.
Tulala ako at wala sa sarili nang makauwi ako ng mansyon. My brothers greeted me but I couldn't pay attention.
Pinasadahan ko sila ng tingin. Silang tatlo ay nakatingin na sa akin. Kuya Acheron's is holding his phone. Ganoon rin si kuya Leon. Kuya Eros is just staring at me. Nag iwas agad ako ng tingin nang makuha ko ang ibig sabihin ng kanilang mga mata.
Dumiretso ako paakyat ng hagdan at walang sali salitang pumasok sa kwarto ko at nag kulong doon.
Huminga ako ng malalim at pabagsak na inihiga ang sarili ko sa kama. Hindi pa ako tuluyang nakakapikit ay narinig ko na ang pag tunog ng telepono ko.
Kinuha ko iyon sa loob ng bag ko nang hindi bumabangon. Nang makita ko kung kaninong pangalan ang tumatawag ay napairap ako.
Hades' calling.
Imbis na sagutin ang kaniyang tawag ay pinatay ko ang telepono ko para hindi na niya ako matawagan pa ulit.
Damn you.
Dahil sa iritasyon at kung anu-ano pang nararamdaman ko ay talagang hindi ko na binuksan pa ulit ang telepono ko.
Nag pahinga muna ako saglit bago maligo at mag palit ng damit. Dumiretso ako sa firing range nang makapag desisyon at isinuot ang ear protection. Natatandaan ko pa ang mga itinuro sa akin ni kuya Leon.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Teen FictionHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...
