44

1.2K 22 0
                                        

Chapter 44: Gala



"You go inside. May kakausapin lang ako." ngumiti ako kay Hades at tumango nang halikan niya ako sa labi matapos sabihin iyon. 



Tulad nga ng gusto niyang mangyari, nauna na akong pumasok sa loob at iniwan siya doon. 



Maaga kaming nagising kinaumagahan. Matapos naming masabayan mag breakfast ang lahat ay tumulak na rin kami agad patungo sa kaniyang mansyon.



Wala akong ibang inisip kundi ang Gala na magaganap na mamayang gabi. Maraming artista at mga modelo ang imbitado roon kaya naman paniguradong dadaagsain rin ng mga media ang lugar na iyon mamaya. 



Even Yorick and Raya are invited too. Hindi lang ako sigurado kung magpapakita silang dalawa mamaya. 



Ang mga damit na gagamitin namin mamaya ay ihahatid na lang ng designer rito. Nag pagawa kasi kaming dalawa sa designer na kakilala niya. Mabuti na nga lang ay nagawa iyon agad. 



Dumiretso ako sa kaniyang kusina para kumuha ng maiinom dahil nakaramdam ako ng uhaw.



Mamaya ay pupunta kami sa Casa Al Juarez para mag palipas ng oras. Gusto ko rin kasing makapag ikot ikot muna roon. Pumayag naman siya kaya mayamaya ay aalis ulit kami. 



Dahil hindi pa siya tapos sa kinakausap niya mula sa telepono ay nauna na akong pumanik sa kwarto niya na magiging kwarto ko na rin daw.



Since we're engaged now, nagsisimula na akong ilipat ang mga gamit rito. He really wants me to live here with him. Pinagpatuloy ko pa rin ang bahay na pinapagawa ko kay Yorick at kuya Leon.



Hello? that's my dream house! I just can't ignore it.



Parang ang hirap iwanan ng mansyon pero kailangan dahil kay Hades na ako uuwi. Kailangan naming bumukod na dalawa lalo na at ikakasal na rin kami.



Sandali kaming nanatiling dalawa rito at nang dumating ang alas kwatro ay tsaka kami tumulak patungo sa Casa Al Juárez.



Hindi ko maiwasang mapairap dahil nagtatalo kaming dalawa ni Hades sa loob ng sasakyan niya. Paano kasi ay masyado raw kaakit akit ang suot kong two-piece.



Kahit sinong lalaki raw ay mapapatingin sa akin kapag hinubad ko na ang dress na suot ko.



"Look, we're going on the beach! what do you want me to wear? a long sleeve and pajamas? or jacket? o baka naman nagbabalak kang pag suutin ako ng long gown? my god!" umirap ako at pinag ekis ang mga braso sa ilalim ng dibdib.



Huminga siya ng malalim.



"I just don't want anybody to look at my fiancé. Your black two-piece is such a head-turner, baby." hinaplos niya ang hita ko.



Kanina pa nakapatong ang kamay niya sa hita ko. Minsan ay aalisin niya iyon pero ibabalik rin agad.



"That's because I'm hot! kung naaakit sila sa akin, that's not my problem anymore." tinaasan ko siya ng kilay.



Nakita ko ang pag angat ng labi niya na para bang nanangha siya sa sinabi ko.



Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa naging reaksyon niya o ano.



"Just accept it that you have a hot-sexy-looking fiancé. Hindi natin sila mapipigilan kung magkakagusto sila sa akin."



"Jesus." rinig kong bulong niya na para bang nakaka stress ang mga pinagsasabi ko!



Mas lalo akong napikon kaya salubong na ang kilay ko nang lingunin ko ulit siya.



"Alright, alright." he give up and just nodded as if he has no other choice.

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon