03

561 16 2
                                    

Chapter 03: Not my type

"I'll be back later, Manang Imelda! Pupunta lang ako sa tabing dagat!"

Hindi ko na hinintay pang makapag salita si manang at dumiretso na lang palabas ng mansyon. Sumakay agad ako kay Silver na ipinahanda ko pa kanina. Mabuti na lang ay wala na rito si lola at mama kaya malaya kong magagawa ang gusto ko.

Dalawang araw pa lang ang nakakalipas pero maayos na rin ang mga paa ko. I'm just bored in the house. Cali is busy and I can't meet her yet. Si kuya Ace naman ay abala sa pagpaapaligo ng kabayo niya. Kuya Eros is too busy on his work. Si kuya Leon ay wala na naman sa mansyon. Hindi ko alam kung saang lupalop nagsususuot ang isang iyon.

I just wanted to enjoy my remaining free time dahil nalalapit na ang araw ng pasukan.

Sinasalubong ako ng malamig na hangin habang nakasakay sa kabayong pinapatakbo ko. Nakalabas na kami ng Hacienda kaya ipinadiretso ko na siya sa short cut na madalas kong daanan papunta sa tabing dagat.

Wala akong balak maligo sa dagat dahil kakaligo ko lang doon kahapon. I'll just go to relax myself. Mas nakakalma kasi ako sa tunog ng dagat.

I was wearing a white long sleeve knee-length dress, outside slippers, and wearing light make-up. I just let my hair down again so I can wear my hairpin.

I smiled when I finally saw the sea and the white sand. Walang mga tao doon pero may iilang bangka sa paligid. Konektado ang dagat na iyon sa resort na pag mamay ari ng pamilya ng kaibigan ni kuya Ace.

Bumaba ako sa kabayo tsaka ko siya itinali sa isang kawayan na naroon. May tag naman siya at nakalagay roon ang logo ng hacienda namin kaya walang mag lalakas loob na galawin siya rito.

"I'll be back." ngumiti ako sa kabayo ko matapos ko siyang haplusin sa nguso.

Sandali kong idinikit ang noo ko sa kaniya tsaka ako tuluyang tumakbo papunta sa tabing dagat.

Naramdaman ko agad ang lamig ng tubig nang tumama ang maliliit na alon sa mga paa ko. Sobrang lawak ng karagatan at matatanaw sa kalayuan ang iilang isla. Ang sarap sa pakiramdam habang dinadama ang malamig na tubig at hangin ay hindi ko maipaliwanag.

Nahinto lang ako sa paglalaro sa tubig nang marinig ko ang isang bangka na paparating. Napatingin ako doon. Tumaas pa ang kilay ko nang matanaw ko ang lalaki na nakasakay roon. Wala pa siyang suot na damit pang itaas.

It's him again!

Huminto ang bangkang sinasakyan niya, ilang hakbang lang ang layo sa akin kaya kitang kita ko na ngayon ang ngisi sa labi niya. Taas noo kong sinalubong ang mga mata niya.

Why is he here? And why is he fucking naked!?

I ignored his annoying grin and just watched him fix the net on the boat that was owned by their family because of its "Casa Al Juárez." mark. Iyon ang pangalan ng kanilang hotel beach resort.

It is the biggest beach hotel here in Batangas.

When he finally finished on what he was doing, he turned to me again. Bumaba pa siya ng bangka para at nagsimula ng mag lakad palapit sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" he asked, smiling. Isinusuot na niya ang damit niya ngayon.

"I should be the one asking you that." I raised my eyebrows. Natawa siya.

"May nakalimutan lang akong kuhain. Mangingisda ako. They asked for my help." nagkibit balikat siya. "Ikaw? Tumakas ka na naman sa mansyon niyo, ano?" pinanliitan niya ako ng mata.

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon