12

908 16 1
                                        

Chapter 12: I'm sorry



"Okay, that's all for today. See you again next week and prepare for your long quiz. Class dismissed."



I yawned after prof said that. Nilingon ko ang gawi ni Cali at nang makita kong humikab din siya ay napangiwi ako.



Tumayo na ako agad sa kinauupuan ko kasabay ang mga kaklase ko nang lumabas na ang professor namin sa room. Matapos kong damputin ang bag ko ay ang saktong pag lapit rin ni Cali.



"Tara, lunch na!" yaya niya at isinampay pa ang mga kamay niya sa braso ko.



Natawa ako bago kami sabay na lumabas ng room.



Today is the fourth day after the sports festival ended. Nakabalik na ng Manila ang mga pinsan ko kaya naging tahimik na naman ulit ang Mansyon. Everything is back to normal except for myself.



I still can't move on. Hades' confessed to me that night.



Apat na araw na rin ang nakakalipas at hindi ko pa ulit siya nakakausap. Kasalanan ko rin naman dahil sa tuwing lalapit siya sa akin ay iiwas na agad ako at lalayo.



I don't know what the hell is wrong with me. I suddenly felt uncomfortable every time he was around.



Kasalanan niya rin naman dahil sa biglaan niyang pag amin at pag halik sa akin nung gabing 'yon! 



Hindi rin naman niya ako kinakausap. Ni hindi niya nga ako tini-text man lang. Nakakapanibago dahil hindi niya rin ako kinukulit tulad ng madalas niyang gawin noon.



I need more time, okay? I need more time to confirm my feelings! I'm still confused!



Kailangan ko rin umiwas dahil matapos ang nangyari sa sports festival, iniisip na ng mga tao na may namamagitan na sa aming dalawa ni Hades. Minsan ay aawayin pa ako nung mga babaeng nagkakagusto sa kaniya.



Gusto kong pumatol pero natatakot ako na baka lalo lang lumala ang issue. Wala naman talagang namamagitan sa amin! though... he confessed... 



"Are you a hungry zombie or what? bilisan mo naman mag lakad! hinihintay na tayo ni Solana doon." hinatak ako ni Cali nang biglang bumagal ang pag lakad ko.



Bigla kasing tumunog ang telepono ko kaya kailangan ko iyong i-check dahil baka importante.



"Saglit lang. Mauna ka na doon." nakangiti ko siyang sinenyasan.



Napanguso siya bago tumango at sinabing sumunod agad ako sa kaniya tsaka siya tuluyang nag lakad papasok sa cafeteria.



Nang mawala na siya sa paningin ko ay tsaka ko itinuon ang atensyon ko sa telepono ko. Nakatanggap lang ako ng message galing kay kuya Leon. He just reminded me to eat lunch. Natawa tuloy ako bago mag reply sa kaniya.



Papasok na sana ako sa cafeteria nang marinig ko ang tunog ng isang gitara.



Agad kong hinahanap kung saan iyon ng galing at huminto ang mga mata ko sa Gazebo. Tumaas ang kilay ko nang makita ko kung sino ang mga naroon.



It was Hades and he's with that Fiona again. They looks happy. Mukhang tinuturuan ni Hades na tumugtog ng gitara ang babaeng iyon. Nakangiti silang dalawa at sabay pang matatawa.



I pouted when I saw how he stared at her. Ganoon rin siya tumitig sa akin noon.



Wala ba siyang klase at nakikipag lampungan siya diyan sa gazebo?

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon