Chapter 31: Shot
Naging abala ako sa daan habang nag maneho patungong Manila. It's already one in the morning kaya kakaunti pa lang ang mga mga sasakyang bumibiyahe.
I turned my phone off so no one could find me where the hell I am going.
Didiretso ako sa condominium kung saan kami nanirahan noon ni Calista. Hindi naman agad iisipin ng mga tao sa Mansyon na sa Manila ako nag punta.
Hindi rin naman ako magtatagal rito. I just wanted to rest and forget everything that happened. Kahit sandali lang.
Nang makarating ako sa Manila ay pasado alas tres na kaya dumiretso na ako sa Condo ko. Mabuti na lang ay nakilala ako nung crew na madalas kong nakikita noon sa reception desk. I give her my information at sinabing mananatili muna ulit ako dito ng ilang araw.
Mabuti na lang ay hindi ko naisipang ibenta ang unit ko noon bago ako umuwi ng Batangas.
Hinila ko ang suitcase ko at sumakay na ng elevator. Mapos kong pindutin ang botton number para sa floor ko at ang sumarado na ang pintuan, sumandal ako sa malamig na pader at himinga ng malalim.
Nilingon ko ang gilid ko dahil salamin na iyon kaya nakita ko agad ang sarili kong repleksyon.
Namamaga ang mata ko dahil sa walang tigil na pag iyak kanina kaya naman medyo singkit na ito pero binalewala ko lang.
Nang makababa ako ng elevator ay dumiretso na ako sa pinakadulong kwarto. Itinapat ko agad ang passcode card ko sa pintuan dahilan para bumukas na ito.
Tama lang pala ang desisyon na kinuha ko ang mga damit na iniwan ko sa Unit ni Hades. I still have my savings with me. Uuwi rin agad ako sa oras na maging maayos na ang lagay ko.
I can't face them yet.
Ibinagsak ko agad ang sarili ko sa kama nang makapasok ako sa dati kong kwarto. Sa kabila ay ang kwarto ni Calista. Maalikabok ang paligid pero wala na akong sapat na lakas para asikasuhin pa iyon.
Siguro ay pag gising ay lilinisin ko ang paligid.
Humikab ako at niyakap ang isang unang puti na naroon tsaka ako pumikit. Dahil na rin sa dami ng nangyari at sa pagod kakaiyak ay mabilis akong dinalaw ng antok. Tanghali na ng magising ako kinabukasan.
Ang una kong plano ay ang linisin ang buo kong condo unit bago lumabas para makapag gorcery na magkakasya na sa akin sa loob ng tatlong araw.
After taking a bath, I tied my hair in bun at nag suot lang ng spaghetii top at maong shorts tsaka ko isinuot ang apron at mask na ginagamit ko noon pag nag lilinis.
Kinuha ko ang mga gamit pang linis at pinagsama sama sa iisang lugar.
Sinimulan ko ng mag walis ng sahig pero nahinto ako nang matanaw ko ang telepono ko na inilapag ko kanina sa mababang coffee table na kaharap ng mahabang sofa sa sala.
Hindi ko pa iyon binubuksan simula kagabi. Iniwas ko ang tingin ko doon at pilit na hindi na ito pinansin pa at nag patuloy na lang sa pag lilinis ng unit.
Ayoko munang malaman nila kung nasaan ako.
Gusto ko munang mapag-isa.
Tanghali na ng matapos ako sa pag lilinis ng buong condo. Pati ang kwarto ni Cali ay idinamay ko na. Nakaramdam na ako ng gutom kaya naman nagpahinga muna ako sandali bago umalis.
May 7/11 naman sa baba kaya doon na lang ako kakain. Doon na lang din ako bibili ng mga pagkain para sa tatlong araw na pananatili ko rito.
Bumili ako ng can drink at sisig with rice na pinainit ko muna sa counter bago ako umupo sa lamesang naroon. Kaharap ko ang mirror wall nila kaya nakikita ko ang mga nangyayari sa labas habang abala ako sa pagkain.
![](https://img.wattpad.com/cover/259356409-288-k795119.jpg)
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
أدب المراهقينHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...