07

284 10 1
                                    

Chapter 07: Past


"Okay! from the top! and one, two, three, one, two, three-- Alisterille! straighten up your hands! You're one of the flyers. You have to perfect your movements!"



Napatango na lang ako bago sinunod ang sinabi ni Nova.



We've been practicing for almost one week. Mabuti na lang ay walang masyadong ipinapagawa ang mga subject professor namin sa ngayon kaya nakakapaglaan ako ng maraming oras sa practice.



Isang linggo pa lang ang nakakalipas pero naging malapit agad ako sa mga kasamahan ko sa squad. They are treating me right. Mabait sila sa akin. Sa loob rin ng isang linggo na iyon ay marami na ang nabubuo naming steps.



"Okay! good job, Mambas! five minutes water break!" ipinalakpak ni Nova ang mga kamay niya matapos ang ilang minutong pag pa-practice.



Napahinga ako ng malalim at hinihingal na naupo sa sahig kasabay ang ilan ko pang kasamahan. They are all tired pero kailangan naming magtiis dahil nalalapit na ang sports festival.



After resting my body and regained energy, tumayo ako at naglakad palapit sa bench kung saan nakapatong ang mga bags namin. Papalubog na ang araw kaya mayamaya ay paniguradong idi-dismiss na kami.



Kinuha ko ang water jug ko. Guminhawa lang ang pakiramdam ko nang mainom ko ang malamig na tubig na laman nito pero napahawak naman ako sa tiyan ko nang kumalam ito.



I'm hungry but I can't leave yet!



Should I ask Kuya Leon or Kuya Acheron to bring me food?



Nang makapag desisyon ako ay kinuha ko agad ang telepono ko sa loob ng bag ko at hinanap ang numero ni kuya Leon. I just realized I can't ask kuya Acheron dahil may practice rin siya tulad ko. Kuya Eros isn't free either dahil nasa trabaho siya.



Dahil sa nangyari noon ay hindi na sila pinayagan pang makapag practice sa ibang university at gym na lang rito ang ipinagamit sa kanila.



[Yes, baby?] kuya Leon finally answered my call after the third ring. [I'm sorry, I was inside the bathroom. What's the matter?]



"Can you bring me a food? I can't leave yet. I'm still on the practice. Nagugutom na ako." ngumuso ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. Natawa siya sa kabilang linya.



[Alright, alright. Hintayin mo ako diyan. Magbibihis lang ako.]



"Thank you, Kuya!" I smiled.



[Anything for my baby.] natawa ulit siya. Natawa rin tuloy ako.



Ibinaba ko lang ang tawag nang mag paalam na siya sa akin. Habang naghihintay sa kaniya, balak ko pa sanang mag stretching muna nang mapatingin ako sa entrance ng gymnasium.



When I saw Hades enter the entrance gate, I immediately took my towel to wipe the sweat off my body.



Nagtilian pa ang mga babae nang makita rin siya. Napairap pa ako nang ang iba sa kanila ay talagang tumayo at lumapit pa sa kaniya para makapag pa picture.



Narito na naman siya.



Laging ganiyan ang nangyayari sa tuwing pumupunta sila rito. Akala ko ng ay nag bibiro lang siya na pupuntahan niya ako rito noong unang practice namin pero ganoon na lang ang gulat ko nang talagang magpakita siya dala ang energy drink at ilang pagkain.



Tuwing dadaan sila rito ay tapos na ang practice nila sa basketball o 'di kaya ay sa banda pero nakakapagtaka lang na mag isa lang yata siya ngayon. Hindi siya dumating kahapon dahil inabot sila ng alas otso sa pag tugtog.

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon