Chapter 17: Pleasure
"You will have a graded recitation by tomorrow so please review our lesson today. That's all. Class dismissed."
I yawned after what our last professor for today's class said. Iniligpit ko ang mga gamit ko at tamad na tumayo sa upuan ko. Cali isn't here today dahil absent siya.
She's sick kaya pati si Kuya Acheron ay hindi rin pumasok dahil naroon siya sa bahay nina Cali para alagaan siya.
Napakunot ang noo ko at napalingon sa pintuan ng classroom nang marinig ko ang ilang sigawan ng mga kaklase ko at ng ilang mga estudyante sa labas.
Ang antok na nararamdaman ko ay agad nawala nang matanaw ko si Hades sa labas ng classroom ko! he's holding a bouquet of roses!
Why the hell is he here! hindi man lang ba niya inisip na baka dumugin siya rito ng mga babae! hindi ko kayang lumaban mag isa!
Dahil sa mga naiisip ko ay dali dali kong dinampot ang bag ko. Nakisingit pa ako sa mga kaklase ko para lang makalabas ako ng classroom.
Nang makita niya ako ay agad nag liwanag ang mukha niya. Bago pa siya may masabing kung ano ay hinawakn ko na ang kamay niya at hinila siya palayo doon.
"Hey, what's the matter?" nanunuyong tanong niya nang sa wakas ay makarating kami sa gazebos.
"I told you, huwag ka ng pumunta sa classroom ko after your class. Hintayin mo na lang ako sa tagpuan natin." hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.
Tumaas ang kilay niya pero matapos akong titigan ay ngumiti rin siya.
"I just can't wait to see my girlfriend. That's all." hinawakan niya ang mga kamay ko.
Pinilit ko naman na mag mukhang mataray.
They are under Batangas Music Entertainment now. Since they started working there, their name grew bigger. Nagkaroon sila ng almost 800k followers sa YouTube after their first performance at the Moa Arena in as their band debut in that entertainment.
A lot of people contacted Kuya Acheron and Adonis to endorse and model some expensive brands. Same with Acheron and Hades.
Sa loob lang ng isang buwan ay nagawa nila ang mga bagay na iyon!
Mabuti nga ay walang problema ang entertainment nila kung may karelasyon man ang mga artist kaya malaya pa rin kaming makakapag date ni Hades.
Kaunti lang ang nakakaalam ng tungkol sa relasyon naming dalawa kaya marami pa rin na nag iisip na single siya at wala siyang girlfriend. But my family knows about us. Sabay naming sinabi ni Hades nung gabing matapos ang free concert nila sa Moa Arena. Even my cousins in Manila, alam na rin nila.
Pero kahit na ganoon ay kailangan pa rin naming mag ingat. Isang maling galaw lang ay pwede kong masira ang pangalan ni Hades at ng banda nila. Ayokong masira ang career nila na unti-unti na nilang naaabot.
"I'm just worried about you! idiot!" I hit his chest pero mabilis niyang nahuli ang mga kamay ko.
"Come on, babe... huwag ka ng magalit."
Ngumisi siya bago iniabot sa akin ang dala niyang bouquet. Ngumuso naman ako, tinatago ang ngiti bago padabog na tinanggap iyon.
"I'm here to pick you up and of course, to tell you something. I have a good news for you." pinagsiklop niya ang mga kamay naming dalawa bago kami sabay na nag lakad.
"What good news?" na curious tuloy ako sa kung ano mang sasabihin niya.
"Someone contacted me from an agency. They talked to me and said they wanted to hire me as an actor and model because they saw my commercials before. They like it ... so yeah. " nakangiti at tuwang tuwa niyang kwento.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Ficțiune adolescențiHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...