Chapter 37: Regrets
"I found a better place. You can check this folder. Nariyan na lahat ng details about sa location area. Malawak at malaki ang lupaing iyon."
Inabot sa akin ni Yorick ang isang folder kaya tinanggap ko iyon at sinimulang buklatin para aralin ang mga nasa loob nito.
Maganda at malawak nga ang buong area na nahanap niya. Maganda rin ang tanawin kaya kung doon itatayo ang gusto kong bahay ay gigising ako ng may ngiti sa labi.
Ayoko sanang humiwalay sa Hacienda dahil dito na ako lumaki at nasanay na ako sa presensya ng mga tao pero kailangan ko ring matutunang mabuhay mag isa.
Ilang araw na ang nakalilipas matapos ang gabing iyon sa Casa Al Juárez. Walang ibang nakaalam ng totoong nangyari dahil pinakiusapan ko siyang huwag iyong banggitin sa kahit kanino lalo na sa kapatid ko dahil ayokong mag alala sila.
Nagawan ko naman ng palusot kung bakit may bandage ang paa ko nung umuwi ako sa manyon noon.
I haven't seen him after that dahil bumalik na siya sa pagiging abala sa trabaho.
I also found a new job. Sa isang office company kung saan namamasukan si Cali. Siya ang naging guide ko sa trabaho dahil siya rin ang nag pasok sa akin doon. Hindi pa naman halata ang tiyan niya kaya nakakapasok pa rin siya.
We're having a party for her later. Gaganapin iyon sa mansyon dahil tuwang tuwa si Lola nang malaman niyang buntis si Cali at magkakaroon ulit siya ng panibagong apo.
She really likes Cali for Kuya Acheron since then. She wants them to end up together.
They're also preparing for their wedding next month. Kaunti na lang naman daw ang aasikasuhin dahil noon pa nila ito plinano.
"This is fine. How much is the price?" tanong ko kay Yorick nang ibalik ko sa kaniya yung folder.
"It's worth 40 million. Nakausap ko yung may-ari kanina."
"Oh, I'll buy it. You can start designing the house. Si Kuya Leon na ang kukunin kong engineer. He accepted my request kaya wala ng problema." ngumiti ako.
"Alright, then. Mag papahanda ako ng meeting." sinimulan na niyang iligpit ang mga gamit niya.
Nasa isang coffee shop kasi kami dahil pareho naming day off ngayon.
Sabay kaming lumabas at dumiretso sa sasakyan niya. Hinatid niya pa ako sa mansyon dahil hindi ko dala ang sasakyan ko. Sinundo niya lang rin kasi ako kanina.
Alas kwatro pa lang ng hapon at mamayang alas siete pa naman gaganapin ang party para kay Cali kaya mamaya siya babalik dahil aasikasuhin niya raw muna yung project na binigay ko sa kaniya.
He's really working hard for it.
"Thank you and I'll see you later." nakangiti kong sabi matapos bumeso kay Yorick nang makababa na ako ng sasakyan niya.
Ngumiti rin siya tumango sa akin. Gumilid ako at pinanood siyang makasakay sa loob. Kumaway pa siya sa akin sandali kaya kinawayan ko rin siya pabalik tsaka niya pinaalis ang sasakyan niya.
Ngumiti ako bago tumalikod at nag simula nang pumasok sa loob ng mansyon.
Binati ako ng mga bodyguards at ilang katulong na nakasalubong ko. The whole mansyon is busy. They are all preparing for the big party earlier. Malamang ay may mga media na dadayo rito lalo na at sikat na modelo si Kuya Acheron at hawak siya ng sikat na modeling agency.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Teen FictionHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...