43

1.3K 23 0
                                        

Chapter 43: Father



"I am freaking engaged now! oh my god!" I was still weeping to my friend, staring at the diamond ring that Hades had given me last night.



I just can't believe that I am engaged to him now! that Hades Vincent Aljuarez is now my fiancé!



Namamanghang hinawakan ni Cali ang kamay ko kung nasaan ang singsing. Ang mga kapatid ko ay nakangiti rin habang pinapanood kaming dalawa.



Maski sila ay hindi alam ang plano ni Hades. Nagulat na lang sila nang umuwi ako kaninang umaga ay engaged na ako. Hindi kasi ako nakauwi kagabi dahil doon ako sa mansyon niya natulog.



Sobrang bilis ng pangyayari kaya hindi ko agad nagawang maibalita sa pamilya ko ang mga naganap sa yate.



Masaya sila sa naging balita ko. Maski si Lola at mama. Even Adonis, Yorick and Achellus, too.



Nasa Casa Al Juárez ngayon si Hades. Malamang ay kinakausap na rin niya ang pamilya niya tungkol sa engagement naming dalawa.



"Congrats, baby." lumapit sa akin si Kuya Eros at hinalikan ang noo ko. Ngumiti ako at nag pasalamat sa kaniya.



Kuya Leon rubbed my hair and congratulates me, too. Hindi namin maiwasang mag tawanan nang mag simula nang lumuha si kuya Acheron sa harapan ko habang sinasabi kung gaano siya kasaya para sa akin at para sa kaibigan niya.



Sa kanilang tatlo, si Kuya Acheron ang may pinakamalambot na puso. He's annoying sometimes and a bit moody but he has a kind and good heart. He's super caring and loving brother. Calista is so lucky.



Binati rin ako ni Lola at Mama. Sobrang saya nilang dalawa dahil una pa lang ay talagang gusto na nila si Hades para sa akin.



Hindi pa namin napag usapang dalawa kung kailan namin aasikasuhin ang kasal dahil ang importante sa amin ngayon ay ang kasal ni kuya at Calista. Hindi kami pwedeng makisabay.



I took a picture of my fingers wearing the diamond engagement ring he gave last night. We're holding hands in that photo, showing the guitar pick bracelets we are wearing and the fireworks he set served as the background.



He really planned it well.



I posted it on my Instagram. Kakapost ko lang noon kagabi ay sumabog agad ang notification ko.



Hindi ko inaasahan na ipo-post rin ni Hades ang picture naming dalawa sa kaniyang social medias accounts. On the picture, he was kissing me on the cheek while I was smiling and flexing my engagement ring.



Nag lagay rin siya ng message letter para sa mga fans at supporters niya. Mabilis na kumalat ang balita at agad iyong nag trending. Naging laman pa kami ng balita at kung anu-anong articles sa internet. Ang post ko sa Instagram ay agad dinumog ng mga tao dahil nalaman nilang si Hades ang lalaking kasama ko sa picture.



Marami ng tao ang nakakaalam tungkol sa relasyon naming dalawa pero ngayon, wala akong ibang nararamdaman kundi saya. Walang kahit anong takot at pag dadalawang isip na sumasagi sa puso at isipan ko.



Siguro dahil talagang desidido na akong harapin ang lahat ngayon. Ayoko na maging duwag. Ayoko na panghinaan ng loob.



Kahit ang mga pinsan kong nasa Manila ay nagulat sa biglaang pagkalat ng balita. Maraming bumati pero hindi pa rin mawawala yung mga bugnutin niyang taga suporta na mas maliit pa sa langgam ang utak.



Hindi ko na sila pinansin dahil abala ako sa pag kukwento at pag papaliwanag sa mga pinsan at kaibigan ko tungkol sa engagement.



[Why didn't you tell us na naging ex mo pala si Hades Aljuarez!] mangiyak ngiyak na reklamo ni Rowan sa kabilang linya.

Against The Waves (Silvero Series #01)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon