Chapter 35: Disrespected
Patuloy ako sa pag takbo hanggang sa makarating ako sa parking lot kung saan ko iniwan ang sasakyan ko.
Mapapatingin na sa akin ang ibang tao kaya sumakay na agad ako sa loob.
Patuloy sa pag bagsak ang mga luha ko at ayaw nilang huminto. Nang maisarado ko ang pintuan ng sasakyan ko ay natahimik ulit ang buong paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay ang sarili kong hikbi.
Yumuko ako sa steering wheel at mahigpit na inihawak doon ang mga kamay ko.
This time, I did not wipe my tears. I just let them free. Hinayaan ko lang silang kumawala dahil pakiramdam ko ay matagal ko silang kinimkim at ngayon ko lang ulit nailabas.
Why does his presence hurt so much?
Dahil sa bigat ng nararamdaman ko ay pinaharurot ko na ang sasakyan ko paalis doon. Hindi ko kaya na manatili pa doon ngayong alam ko na naroon siya sa loob. Ayokong magkalasubong ulit ang landas naming dalawa.
Hindi pa ako handang harapin ulit siya.
Tulala at wala ako sa sarili nang makabalik ako sa condominium. Ni hindi ko na nagawang makapag paalam kay Irish at sa mga kaibigan ko dahil sa pag mamadali kong makaalis doon.
Nakangiti si Catalina nang pag buksan niya ako ng pintuan pero nang makita ang hitsura ko ay agad iyong napawi.
"What happened to you?" bahagyang kumunot ang noo niya.
Naglakad na ako papasok sa loob. Sumunod naman siya sa akin matapos maisarado ang pinto.
"Umiyak ka ba?" ngayon ay may bahid na ng pag-aalala ang boses niya.
Hindi ko nagawang sumagot at dumiretso lang papasok sa loob ng kwarto ko pero hanggang doon ay sinundan niya ako.
"Ali, ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong niya nang makita niyang inilabas ko ang dalawang malalaking maleta ko.
Kinuha ko ang mga damit kong nakasampay sa cabinet ko tsaka ko iyon isa-isang inilagay sa loob ng maleta.
"He's here. He's here in Manila. Nakita ko siya kanina." nanginginig ang boses ko nang sabihin ko iyon pero nag patuloy pa rin ako sa pag iimpake.
"Sino? tangina, Ali. Ano ba talagang nangyayari? pinag-aalala mo 'ko!"
"Hades! I saw Hades on that damn bar!" sigaw ko. His name is like a trigger. Kusang tumulo ulit ang mga panibagong luha ko.
Natigilan siya nang mag tama ang paningin naming dalawa. Natigilan rin ako sa pag aayos ng mga damit dahil sa panghihina.
Pinalis ko ang mga luha ko at nag iwas ng tingin sa kaniya.
"Uuwi ako ngayon sa Batangas."
"T-Teka, huwag ka namang padalos dalos mag desisyon. Mag pahinga ka na lang muna. Bukas ka na ng gabi tumuloy--"
"Hindi ko alam kong makakapag pahinga pa ako ng normal at maayos matapos ko siyang makita kanina." wala sa sariling sabi ko at nag patuloy sa ginagawa.
Nang mapuno ko ang isa kong maleta ay isinarado ko na iyon tsaka ko inasikaso naman ang isa pa.
"Ali, kumalma ka muna utang na loob."
"I can't calm down, Catalina." pigil ko sa anumang sasabihin niya. "Ikaw na ang bahalang mag paliwanag kay Yorick at Hestia. I moved my schedule. Ngayon ang alis ko pabalik ng Batangas."
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Teen FictionHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...