Chapter 16: Owned
Tulala ako nang magising sa biyahe, hindi makapaniwala sa nangyari dahil hindi ko na nagawang mapigilan ang pag iinit ng katawan ko.
Nilingon ko si Hades na ngayon ay nag abala sa pag mamaneho ng sasakyan habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko.
Napangiti ako at nanatiling nakatingin sa kaniya.
I can't believe that this tall, hot-handsome man is now my boyfriend. We made love.
He's annoying at sobrang yabang pero nakakatawa na ako pa talaga ang nag makaawa sa kaniya na gawin namin ang bagay na iyon and just because I want a relationship with him.
"Quit staring at me, Alisterille." humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nakita ko pa ang pag guhit ng ngisi sa labi niya.
Bahagya akong natawa at pinaglaruan na lang ang mga daliri niya.
"Prepare yourself. Nasa Hacienda na tayo. Pareho tayong malalagot kay Senyora Amelia at Donya Alyana." natatawa niyang paalala na siyang ikinatigil ko.
Ang kaninang ngiti sa labi ko ay agad nag laho. Ang sayang nararamdaman ko ay napalitan ng takot at kaba nang maalala kong tumakas nga lang pala ako ng mansyon kanina!
Shit!
I'm gonna get killed!
Lalo lang akong nakaramdam ng kaba nang makapasok na kami sa loob ng Hacienda. Unti-unti ko nang natatanaw ang mansyon sa malayo.
Pinatay ko ang telepono ko kanina kaya paniguradong kanina pa nila ako sinusubukang kontakin.
Agad kong binitawan ang kamay ni Hades nang makahinto na ang sasakyan niya sa tapat ng mansyon. Natanaw ko na rin si Lola Amelia at mama sa may pintuan. Parehong galit ngunit nag aalala ang kanilang mga mukha. Nakita ko rin ang mga kapatid ko na kalalabas lang ng pintuan. Even Solana and Cali was there!
Oh my god.
Naunang bumaba ng sasakyan si Hades. Dahil sa kaba ko ay hindi ko na nagawang buksan ang pintuan ng sasakyan kaya siya ang gumawa noon para sa akin. Inalalayan niya rin akong makababa.
I'm glad he cleaned me after we made love! maayos na ulit ang damit ko at walang kahit anong lukot. Hindi naman siguro nila mahahalata.
Kahit masakit ang gitnang bahagi ng katawan ko dahil sa ilang beses naming ginawa iyon sa loob ng kaniyang sasakyan ay nagawa ko pa rin na makapag lakad ng maayos.
Sinalubong agad ako ni Solana at Cali para mayakap ako. Ngumiti ako at niyakap rin sila pabalik bago ako mag angat ng tingin sa pamilya ko.
"Where the hell have you been, Alisterille!?" galit na tanong ni Lola.
Kahit kinakabahan ay lumapit pa rin ako sa kaniya.
"I'm sorry." pinasadahan ko sila ng tingin isa-isa tsaka ako yumuko. "I'm so sorry kung pinag-alala ko ulit kayo... I got bored kaya lumabas ulit ako ng mansyon nang hindi nag papaalam. I just... went to sea. Sumama ako sa mga mangingisdang pumalaot kanina. I just watched them how they fish." paliwanag ko.
"Goodness, Alisterille! at least tell us next time para hindi kami mabaliw dahil hindi namin alam kung saan ka hahagilaping bata ka!" pinagalitan ako ni Mama. Lalo akong napanguso.
"You're so stubborn, Ali. Kapag naulit pa ito, pati ang kwarto mo ay papabantayan ko na sa mga bodyguard." pagbabanta ni Lola na siyang ikinatigil ko.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Teen FictionHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...
