Chapter 11: Confused
"Congratulations, Solana! Cali!" sinalubong ko sila ng yakap nang makarating kami sa gitna ng court.
They won the game kaya tulad nina Hades at kuya Ace, babalik sila sa susunod para sa final game!
Natawa pa ako nang hindi pa rin humihinto sa pag iyak si Solana kaya niyakap siya ni Raj para pakalmahin siya. This is her first achievement as college kaya malaking bagay ang pagkapanalo niyang ito.
After the long afternoon ended, naging masaya naman ang pagtatapos ng sports festival. Nagkayayaan pa kami na mag celebrate at ganapin iton sa hotel nina Hades. Pumayag naman kaming lahat dahil sagot niya raw lahat ng gagastusin.
Excited akong umuwi ng mansyon para kumuha ng mga damit pang palit dahil mananatili kami roon hanggang sa susunod na araw. Para na rin makapag paalam kay lola at mama. Nauwi pa kami sa tawanan dahil naikwento namin sa kanila ang mga naganap kanina sa Sports Festival. They congratulates me and Solana, too.
Palubog na yata ang araw nang makaalis ulit kami ng mansyon para dumiretso na sa Casa Al Juárez kung saan naghihintay si Hades. Sumama rin si kuya Eros dahil may usapan daw sila ni Hide kaya paniguradong hihiwalay rin sila sa amin mamaya sa oras na makarating na kami doon.
"Bigatin naman pala 'yang boyfriend mo, Ali! gwapo na, mayaman pa! anak pa ng may ari ng pinakamalaking hotel resort rito sa Batangas!" nakangisi akong hinarap ni Catalina.
"Oh, stop it, Catalina." umirap ako. "You're not done yet? ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo, hindi ko nga siya boyfriend." nai-stress kong ulit sa paliwanag ko.
Hindi ko na alam kung pang ilang beses ko na rin iyong nasabi ngayong araw.
"Asus! ito naman, bakit ba nahihiya ka umamin? hindi mo dapat kinakahiya ang ganoon kagwapong lalaki!" inakbayan ako ni Hestia na nasa kabilang gilid ko lang.
Napapagitnaan kasi nila akong dalawa. Si Solana ay nasa front seat at kanina pa tahimik.
Si Raj at Valerian ay nasa likuran namin kasama ang mga kapatid ko at si Cali. Maingay rin sila dahil may kung ano silang nilalaro sa telepono ni Valerian. Sina Adonis at Achellus raw ay susunod na lang doon.
Pumikit ako at dahan dahan na huminga ng malalim, ikinakalma ang sarili ko na huwag mag padala sa mga pang aasar nila. Nang makapag tagumpay ay hindi ko na sila pinansin at hinayaan na isipin ang kung anong gusto nilang isipin.
Hindi rin kami nag tagal sa biyahe dahil maluwag ang daan kaya naman nakarating agad kami sa Casa Al Juárez. Namangha agad sila dahil sa magandang front view ng kanilang hotel. Dahil nakapasok na ako rito noon, ako ang nag silbing guide nila papasok sa loob.
Inayos ko agad ang sarili ko nang matanaw ko si Hades sa front desk nila. Naroon rin si Hide na agad kumaway sa amin, maski si Tito Vicente na nasa likuran nila at nakangiting pinapanood kami.
"Welcome to Casa Al Juárez, Silveros." inilahad ni Tito Vicente ang daan. "Inihanda na namin ang Villa na gagamitin ninyo. Nakahanda na rin ang mga pagkain sa seaside. Halina kayo, paniguradong pagod at gutom kayo."
"Yon!" sabay sabay na sigaw ng mga pinsan ko, natuwa sa narinig mula kay Tito Vicente.
Matawa sila sa mga pinsan ko at ako naman ang nakaramdam ng hiya.
Hindi ako umimik at hinayan sila na makapag pakilala kay Tito Vicente at syempre, ang dalawang malanding si Hestia at Catalina ay agad nilapitan si Hide at nagpakilala rito. Si Valerian, at Raj naman ay abala sa pag sipol sa mga babaeng dumadaan. Nakikingisi naman si kuya Leon sa dalawa. Si kuya Eros at kuya Acheron ay kausap si Cali. As usual, tahimik si Solana at panay lang ang tingin sa labas, mukhang hinihintay ang pag dating ni Achellus at Adonis.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Teen FictionHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...
