21

272 9 0
                                    

Chapter 21: Visitors

"Akala mo ba madali lang para sa akin 'to? hirap na hirap na rin ako sa sitwasyon nating dalawa!"

"Kung nahihirapan ka, mas nahihirapan ako!" sigaw ko pabalik habang kunot noong nakatitig kay Hades, ang mga mata niya ay nakatuon rin sa akin. "This relationship isn't healthy anymore. Let's just end this. Wala tayong marating kung mananatili pa tayong magkasama. You are a burden to me."

Napalunok ako nang humakbang siya palapit sa akin. Gusto ko siyang sampalin dahil hinawakan niya bigla ang bewang ko at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko! Dinampian niya pa iyon ng halik bago ang balikat ko!

"What the hell, babe! this is not on the script!" hinampas ko ang dibdib niya.

Mahina siyang natawa bago ako muling hinarap.

"Paano pala kapag nag simula na ang shooting niyo? gagawin mo rin ito sa leading lady mo, huh? You're going to kiss her shoulder and smell her fucking neck!?"

Padabog kong inabot sa kaniya ang script na ibinigay niya sa akin kanina.

Tinawagan na kasi siya nung agency na kumuha sa kaniya. For his debut as a soloist actor, ito ang una niyang project. Magkakaroon siya ng romance movie kung saan siya ang leading man at makakasama niya si Raya Angeles, sikat na modelo at actress rin. 

May ilang linggo pa naman bago ang start ng shooting nila dahil hindi pa siya pwede ngayon lalo na at simula na ng christmas break bukas. Wala rin muna silang gig dahil abala silang apat sa mga pamilya nila pero sa bagong taon ay may performance daw sila sa Pasay kaya sasama ako sa kanila.

"Come on." natatawa niyang hinawakan ang mga kamay ko. "Leeg mo lang ang paborito kong amuyin. Balikat at labi mo lang rin ang gusto kong halikan." bulong niya.

Napairap ako nang ipasada niya ang dulo ng ilong niya sa panga at tenga ko. I screamed when he suddenly licked my ear!

I hit his shoulder again but he just laughed at me.

Sinaway ko siya at tumigil naman siya pero panay ang landi niya sa akin.

Nakasandal ako sa counter table at nakahawak na ngayon sa magkabila niyang bewang habang ang mga kamay naman niya ay nasa magkabilang gilid ko, ikinukulong ako at panay ang titig sa akin habang nagkukwento. Minsan ay hahalikan niya pa ako.

I'm on his unit because Tito Vicente invited me to join them for a dinner. Bukas ng umaga ay iuuwi niya rin ako sa mansyon dahil naroon ang mga pinsan, Tito at Tita ko. Tuwing pasko ay talagang nagtitipon kami sa mansyon para doon mag celebrate.

Napakilala ko na rin siya sa kanila kaya malaya siyang nasusundo at naihahatid ako sa mansyon kahit na naroon ang buo kong pamilya.

Hades' has his own plans kaya hindi kami magkakasama ng limang araw simula bukas. Uuwi kasi sila ng France dahil naroon ang mga kamag-anak niya. Doon sila magkita-kita for a reunion until December 25 kaya sinusulit ko na ang oras ko kasama siya.

Naibigay na niya sa akin ang regalo niya for Christmas. It's just a simple silver infinite anklet with small pearl on the side.

Suot ko na agad iyon. I just gave him a new pair of brand new wristwatch dahil may collection siya ng mga ito. I saw it when I went to their house for the first time.

Ayaw niya nga sanang tumanggap ng kahit anong regalo galing sa akin dahil sapat na raw yung oras at presensya ko sa kaniya but I want to be fair.

Kung may regalo siya sa akin, dapat ay may regalo din ako para sa kaniya.

Their Mansion is a big modern style na malapit lang sa Casa Al Aljuarez pero hindi tulad namin, wala akong makikitang kahit anong bodyguards sa paligid. Tangging mga katulong lang.

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon