38

415 10 0
                                    

Chapter 38: Ruin



Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumilipas pero nanatili pa rin akong nakayuko doon. Nararamdaman ko na rin ang epekto ng alak na inubos ko kanina.



Natigilan ako sa pag hikbi nang marinig ko ang kaluskos mula sa likuran ko. Papalapit ito sa akin kaya dahil sa gulat ko at napaangat agad ako ng ulo at nilingon ang kung sino mang nasa likuran ko.



Pinagsisisihan ko ang ginawa ko pang lingon nang mag tama ang paningin naming dalawa ni Hades. Nakakunot na ang noo niyang habang diretsong nakatingin sa akin.



Tumayo ako agad at pinalis ang mga luha sa pisngi ko.



"Anong ginagawa mo rito?" kunot noong tanong ko, walang pakealam kung nakita niya akong umiiyak.



"Bakit ka umalis doon?" tanong niya pabalik.



Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako.



"It's none of your business!" sigaw ko. "Don't come closer, Hades. I'm warning you!" pagbabanta ko pero parang wala lang iyon sa kaniya.



Patuloy siya sa paglalakad palapit sa akin. Napamura ako bago hawakan ang laylayan ng gown ko. Tumalikod ako at sinubukang tumakbo para sana ako na lang ang makalayo sa kaniya pero agad niyang nahuli ang palapulsunan ko at naibalik ako sa pwesto ko.



"Bitawan mo ako!" pilit kong binabawi sa kaniya ang palapulsunan ko pero ayaw niya akong pag bigyan.



"No. Not until you answer my question, Alisterille." mariin niyang sabi.



Padabog kong binitawan ang laylayan ng gown ko. Nang makakuha ng lakas ng loob ay sinalubong ko ang mga tingin niya. Hindi na rin ako nag pumiglas pa at sumuko na lang dahil masyado siyang malakas kumpara sa akin.



"Ano naman sayo ngayon? Does my reason matter to you, huh?"



"It does! because your feelings matter to me, Alisterille!" iritadong sigaw niya na siyang ikinatigil ko.



Kumunot ang noo ko at nagtatakang tinitigan siya.



"Bakit umalis ka ng umiiyak doon?"



Natigilan ulit ako sa sumunod niyang tanong. Doon ay sinubukan ko ulit kumawala mula sa pagkakahawak niya para matakasan siya pero hindi niya pa rin ako binigyan ng pagkakataon.



"Bitawan mo sabi ako... please." pagmamakaawa ko at pinamuuhan na ng luha.



Hindi dahil sa higpit ng pagkakahawak niya kundi dahil sa bigat ng loob na nararamdaman ko.



Doon siya natigilan. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at ang galit sa mukha niya ay napalitan ng takot. Binitawan niya ako kaya nakawala ako pero hindi ako agad nakaalis sa harapan niya.



"Bumalik ka na doon. I want to be alone." sabi ko.



"I won't leave." mariin niyang sabi pero sa kalmadong paraan.



"Ano na lang ang sasabihin ng girlfriend mo kapag nalaman niyang narito ka para sundan ang ex mo? ayoko ng gulo Hades. Umalis ka na."



Natahimik siya at hindi nakapag salita agad. Tumitig lang siya sa akin. Umiwas ako ng tingin. Nataranta pa ako nang tumulo ang luha sa pisngi ko na agad kong pinalis.



"Paano ko magagawang umalis at bumalik doon kung ganiyan ang kalagayan mo?"



"Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo o ng awa mo." sinamaan ko siya ng tingin nang lingunin ko ulit siya.

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon