14

954 19 0
                                        

Chapter 14: Jealous

I fired the last bullet of the gun I was holding. It hit the target exactly.

I smiled when I heard Kuya Leon clapped and whistle behind me. Now he's smirking proudly at me. Ibinaba ko ang kamay ko nang kuhain niya sa akin ang baril para lagyan ng panibagong bala. Naroon rin si Kuya Acheron na nakaupo sa bench habang pinapanood ako at kinukuhaan ng video.

"You're getting better, Ali! keep it up! you're gonna surpass me sooner." Kuya Leon rubbed my hair then laughed.

We're in the firing range inside our mansion. Since Kuya Leon loves practicing using gun, naenganyo rin akong matuto. Hindi naman nila ako pinagbawalan pero ilang beses nila akong pinaalalahan.

Not that I'm going to use that gun against someone! I just want to learn how to use it!

Lola Amelia isn't here because she was still in Manila kaya si Kuya Eros at mama ang nag aasikaso ngayon sa plantasyon. Malaya rin akong nakakalabas ng Mansyon. Dalawang araw na ang nakakalipas ay hindi pa rin siya nakakauwi.

Siguro ay masydong seryosong usapan ang tungkol sa pag papakasal ni Catalina. Gusto ko makiasyoso pero baka lalo lang akong makagulo.

Nakausap ko na rin si Catalina tungkol roon. She cried and guilty dahil hindi niya raw nasabi sa amin agad. Tingin ko ay hindi ko naman kailangan mag-alala dahil willing raw siyang pakasalan 'yong lalaki.

Hestia knows about it too pero itinago niya rin iyon sa amin dahil iyon ang pangako niya kay Catalina. I understand everything now. I just have to wait for Lola to come back and hear her explanations.

Si kuya Acheron naman ang pumalit sa akin. Natawa pa ako habang pinapanood silang mag bangayan doon kung sino ang unang gagamit ng baril. Lumapit ako sa bench para sana uminom ng tubig pero hindi pa ako tuluyang nakakaupo doon ay narinig ko na ang pag tunog ng telepono ko.

I took it out of my pants pocket to see who sent the text. Napangiti ako agad nang makita ko ang pangalan ni Hades.

Hadesaljuarez: Mamaya na yung party ni Adonis. Pupunta ka ba?

Oh, I almost forgot about that! Adi invited us to attend his birthday celebration. Doon mismo gaganapin sa Casa Al Juárez dahil doon raw nag pa reserve ng venue si Adi.

Alisilvero: Yup! We were friends, what do you expect? I'm going with Solana and Cali, too.

Hadesaljuarez: Alright! See you later, then :)

Napangisi ako sa napaisip matapos mabasa ang bagong reply niya.

Alisilvero: We were just together yesterday. 'Wag mong sabihin na miss mo na 'ko agad?

Ayoko sana na mag pahalata na may kausap ako sa phone pero tuluyan na akong natawa nang mabasa ang sinend niya.

Hadesaljuarez: Talaga bang hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo para sa akin? baka mamaya gusto mo na rin pala ako nahihiya ka lang umamin?

Alisilvero: You're so feeling!

Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag ngiti habang tinititigan ang profile picture niya, naghihintay sa panibago niyang reply.

After the first heartbreak that Radge give to me, I promised to myself that I will never fall in love again. Natakot na ako noon dahil sa mga sakit na ibinigay niya sa akin.

I can't stop myself from expecting for a relationship because he continues giving me mixed signals. Kasalanan ko rin naman dahil naniwala ako at umasa. Binigyan ko ng malisya ang lahat.

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon