05

358 12 6
                                    

Chapter 05: First day

"Good luck to the three of you." humalik si mama sa pisngi ko nang matapos siya sa mga kapatid ko. Si lola ay ganoon rin ang ginawa. Inihatid pa talaga nila kami sa labas ng mansyon kahit na naroon na ang limousine na mag hahatid sa amin sa BNU.

Today is my first day as a first-year college while kuya Ace is in 4th year. He's not interested in business kaya mas priority niya ang music at pag momodel. Huling taon na niya ngayon sa kulehiyo. Kuya Leon is in 3rd year. He's studying Engineering. 

Nagkausap na kami ni Cali na doon na lang kami magkita sa university. Mabuti na lang ay nakahabol si Solana kaya makakasabay rin namin siya ngayon sa pag pasok. Kikitain ko siya mamaya.

I'm on the same major with Cali. Si Solana lang ang nahiwalay dahil architecture ang kinuha niya. Pero magkasama sila ni Cali sa club dahil pareho silang volleyball player.

Matapos naming makapag paalam ulit kina mama at lola ay sabay na kaming sumakay sa sasakyan. Dala pa ni kuya Ace ang gitara niya kaya naagaw noon ang atensyon ko.

"Tutugtog kayo ngayon?" tanong ko nang hindi makapag pigil.

"Yeah. For the opening program tsaka may practice kami sa music club mamaya."

"Dude, turuan mo nga akong tumugtog ng gitara. Baka sakaling makuha ko rin ang atensyon ng mga babae sa school." humalakhak si kuya Leon. 

Napangiwi ako habang pinapanood siya na abala sa pagtatali ng mahaba niyang buhok.

Hindi naman talaga mahaba ang buhok niya noon dahil hindi siya kumportable. Iyon ang sabi niya kaya hindi ko alam kung anong rason niya at nagpahaba siya bigla ng buhok. Hindi ko pa siya natatanong tungkol doon. 

"Shut up, man." ngumiwi si kuya Ace. "Hindi namin 'to ginagawa para mag pasikat sa mga babae. We're doing this to express our feelings. Stupid. Akala ko ba nagbago ka na?" iling niya.

"Woah, woah! relax, man!" kuya Leon chuckled. "Meron ka ba ngayon? nagbibiro lang naman ako."  

Napailing na lang ako nang magbangayan na naman silang dalawa. Nang matahimik sila ay tsaka ako nakahanap ng tiyempo.

"Kuya." nilingon ko si kuya Leon. 

Nahinto siya sa pag gamit ng telepono at nakangiting nilingon ako. Hindi siya sumagot pero naghihintay siya sa kung ano mang sasabihin ko. 

"About your hair... uh, hindi naman sa nangangailam ako. I just want to know your reason." panimula ko nang hindi na makapag pigil.

Napansin kong natigilan siya pero nanatili pa rin ang ngiti sa labi niya.

"What about my hair?" he asked back.

"I thought you didn't want your hair long?"

Natahimik siya sa naging tanong ko pero mayamaya rin ay bahagya siyang natawa at malungkot na ngumiti sa akin.

"Ayoko ng mahaba ang buhok ko." nag iwas siya ng tingin.  "But when I was about to cut it, someone told me that I looked way better with my long hair, so I promised that person I'd never cut it until she came back." 

Ako naman ngayon ang natigilan sa naging sagot niya. Natahimik ang buong sasakyan. Maski si kuya Ace na abala kanina sa pag gigitara. 

While I was in Manila, nabalitaan ko na nagkaroon ng problema sa mansyon at si kuya Leon at kuya Eros ang dahilan. I don't know what exactly happened. Maybe it has something to do with what Kuya Leon says about what happened to him before?

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon