Chapter 26: Hide
Sakay ng kabayong puti ay nakangiti akong pinapanood ang mga taong nag tatrabaho sa loob ng Hacienda sa tuwing madadaanan ko sila.
Minsan pa nila akong binabati kaya ganoon rin ang ginagawa ko pabalik.
Nang makalabas ako ng Hacienda Silvero ay dumiretso ako sa tabing dagat. Doon ko kasi naisipang mag palipas ng oras.
Sabado ngayon kaya wala akong ibang magawa. I was so damn bored. Ayaw ko namang manatili sa kwarto ko at mag kulong doon habang naghihintay na dumating ang gabi at ang panibagong umaga.
Hindi ako pwedeng makipagkita kay Hades ngayon dahil wala siya sa kaniyang unit. Mayroon siyang schedule meeting kasama si Raya Angeles at ang iba pang artista na kasama nila sa kanilang project.
Magkakaroon kasi sila bukas ng Mall Show to meet and greet their fans and supporters.
Of course, I will be there to watch 'no! hindi pwedeng wala ako doon. Isasama ko rin si Calista.
Malamig na hangin ang yumakap at sumalubong sa akin nang marating ko ang tabing dagat na madalas kong puntahan. Kung saan ko rin unang nakita si Hades at sumama ako sa kaniya sa pangingisda.
Ngumiti ako at hinaplos sandali ang buhok ni Silver bago ko siya iniwanan at itinali sa kawayang naroon. Tinanaw ko ang bahay nina Achellus sa 'di kalayuan.
Wala ng tao at sobrang tahimik ng paligid. Nakalock na rin ang pintuan at may naka paskil na karton kung saan nakalagay ang salitang "House for sale". He's really gone.
Ilang buwan na rin ang nakalipas. Minsan ay napapaisip ako kung anong nararamdaman ng pinsan ko sa loob ng ilang buwan na iyon.
I want to ask but I'm afraid my question would trigger her heart.
Hinayaan kong sumabay sa pag galaw ang buhok ko sa malamig na hangin. May malaking bato akong natanaw kaya doon ako dumiretso. Hinawi ko pa muna ang suot kong bistida bago tuluyang maupo sa batong iyon. Ang mga paa ko ay nag lalaro na sa tubig dagat.
Itinuko ko ang mga kamay ko sa aking likuran at bumuga ng malalim na hininga.
Sandali akong tumulala sa malawak at kalmadong dagat na nasa aking harapan.
Natanaw ko ang isang bangka na parating sakay ang isang mangingisda na inaayos ang kaniyang lambat.
Bahagya akong natawa nang may maalala.
I wish I could bring those days back.
He was so busy with his schedule that seeing each other has a limitation now.
Hindi naman niya ako kinakalimutan na i-text o tawagan pero parang kulang sa akin iyon. Hindi iyon sapat dahil gusto ko ng atensyon at oras niya.
Hindi ko naman magawang makapagsabi dahil naiintindihan ko naman na busy siya sa kaniyang shootings at ongoing schedules.
Masaya naman ako sa kung anong meron siya ngayon dahil unti-unti niyang naaabot ang mga pangarap niya pero hindi ko rin maiwasang makaramdam ng lungkot para sa sarili ko.
Ang mga bagay na madalas naming ginagawa noon ay hindi na namin magawa ngayon.
So I was right since the beginning. And I shouldn't be feeling this dahil una pa lang ay alam ko ng darating kami sa ganitong punto at kailangan ko iyong intindihin at unawain. Pero sa bawat araw na lumilipas, I realized that our relationship isn't the same as before.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Novela JuvenilHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...
