Chapter 10: Winner and Loser
I forced myself to remain calm while waiting for our performance. We are inside the locker room at lahat kami ay kabado. The event has already started. May ilang announcement na lang silang sinasabi sa labas because the opening flag ceremony is already over.
Nakatanggap rin ako ng text kanina galing kay Hestia at sinabi niyang nakapwesto na rin daw sila sa labas at naghihintay na lang sa amin para manood. Si Solana at Cali ay hindi ko pa nakikita simula kanina pero tumawag sila at tulad ko ay kabado rin silang dalawa.
Hindi ako mapakali kakalakad kaya naman pwersa akong hinila ni Zoey at pinaupo sa tabi niya.
"Kumalma ka nga! nahihilo na ako kakapabalik balik mo!" pinitik niya ang noo ko kaya agad akong napaingit at napahawak doon. "Just calm down, Ali. Kapag kinakabahan ka, hindi ka makakapag perform ng maayos mamaya. Masasayang ang efforts mo sa pag attend ng practice." inabutan niya ako ng tubig bago ngumiti.
Tumango na lang ako at tinanggap ang bottled water at ininom ang laman noon. Kahit papaano naman ay nakatulong iyon dahil nawala ang nerbyos na nararamdaman ko kanina pa. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napalingon ulit ako sa kaniya.
"Relax. Everything will be fine."
Tinapik niya ako sa balikat matapos bitawan ang salitang iyon tsaka siya tumayo at lumapit rin sa ibang kasamahan namin para siguro pakalmahin at pagaanin din ang loob nila.
I took a deep breath after closing my eyes and gripped the bottle tightly.
I can't make a single mistake later. I need to perform my role perfectly. I don't want to embarrass myself in front of many people.
"And the most awaited! please welcome, the Black Mamba cheerleading squad!"
Agad akong napatayo nang marinig ko na ang sigaw ng host sa labas. Narinig ko rin ang maingay na sigawan ng mga tao mula roon kasabay ang pag tugtog ng napakalakas na tunog.
"Alright, girls! this is it! let's all do our best!"
Inilahad ni Nova ang palad niya sa harapan namin. Sumunod naman ang iba at ipinatong ang mga kamay nila doon. Ako ang huling nag patong ng kamay.
"Let's go, Black Mambas!" sabay sabay na sigaw namin.
Nang makabitaw kami sa isa't isa ay tsaka namin dinampot ang mga sari-sarili naming pom-poms at nakahilerang lumabas ng locker room.
Lalong umingay ang mga tao sa loob ng court nang makarating kami sa gitna. Doon kami nag simulang pumuwesto.
"Go, Alisterille!!"
Nabaling ang atensyon ko sa mga sabay-sabay na sumigaw noon. Napangiti ako nang makita ko ang mga pinsan ko na may hawak pang cartolina na may nakalagay na "Go, Alisterille!". Maski si Cali at Solana ay naroon din. Pati ang banda ni kuya na nakikisigaw pa pero naagaw agad ni Hades ang atensyon ko.
Nasa unahan kasi sila kaya kitang-kita ko. Napataas ang kilay ko nang may inilabas rin siyang cartolina at ipinakita sa akin ang nakasulat na "Silvero for the win!". Natawa na rin ako nang matawa siya habang winawagayway iyon.
Nakasuot na siya ng basketball uniform niya pero mukhang sinadya talaga nilang pumunta rito para manood.
Sunod na nakaagaw ng atensyon ko ay si Hide na bigla na lang sumulpot sa tabi niya. Kinawayan niya ako habang nakangiti. Agad siyang napansin ni Hades at may kung anong sinasabi sa kapatid niya. Hindi ko marinig pero kitang kita ko kung paano niya itinataboy ang kuya niya na mukhang tuwang tuwa pang nang-aasar.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Dla nastolatkówHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...
