34

1K 18 0
                                        

Chapter 34: Nightmare, Daydream


"Good morning! is Hestia Silvero at her office?" I asked the receptionist nang makalapit ako sa reception desk.



Wala dapat ako dito ngayon dahil day off ko pero kailangan kong makausap si Hestia pati na rin sina Tito at Tita.



"Yes. She's with the Chairman." sagot nito sa akin matapos tingnan ang tablet niya.



Ngumiti ako at nag pasalamat sa kaniya bago tumalikod. Saktong bumukas ang elevator kaya sumakay na rin ako doon kasabay ang ilan pang mga empleyado.



Hindi na ako dadaan sa opisina namin dahil paniguradong dudumugin lang ako ng mga office mates ko lalo na at naroon si Bianca at Rowan.



Kumatok ako sa pintuan ni Hestia nang makarating ako sa palapag kung nasaan ang opisina niya. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot dahil pinihit ko na agad ang doorknob na agad namang umilaw at nag alarm.



Bumungad sa akin sina Tito Dion at Tita Ino na parehong nakaupo sa upuang nasa harapan ng table ni Hestia.



Ngumiti ako nang sabay sabay silang mapalingon sa akin. Isinarado ko pa muna ang pintuan bago ko sila nilapitan.



"Good morning, Tita Ino." humalik ako sa pisngi niya.



Ngumiti siya at bumati pabalik. Tinapik niya pa ang balikat ko matapos kong yumakap sa kaniya kaya si Tito naman ang hinarap ko. Humalik din ako sa pisngi niya at yumakap bago ko sinunod si Hestia.



"What's bring you here? hindi ba day off mo ngayon?" takang tanong niya matapos kong humalik sa kaniyang pisngi.



Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanilang tatlo. Pinaghawak ko ang mga kamay ko at ngumiti sa kanila. Ngayon ay nasa akin na ang mga atensyon nila.



"Uh, I planned about coming back to Batangas. My family needs me there but please don't tell them about this. I want to surprise them. And, uh, I want to ask you, Hesta, Tita and Tito... if you're giving me permission to resign." paliwanag ko.



Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makita ang gulat sa mga mukha nila. Napakurap si Tita at Hestia habang nakatitig sa akin.



"I am really thankful that you let me work in your company for four years. It was a big help and I learned a lot. I enjoyed my experiences here but I also missed my home. Gusto ko ng umuwi sa kanila." maingat kong sabi.



Sandali akong natahimik nang nagkatinginan si Tito at Tita. Halos makahinga ako ng maluwag nang ngumiti sila at sabay ulit na nilingon ako. Nakangiti na rin ngayon sa akin si Hestia.



"Pasensya na po, Tita, Tito... kung biglaan po ang desisyon ko." paumanhin ko. "You can replace me. Kahit huwag niyo na rin ibigay sa akin ang suweldo ko para sa ngayong buwan. Pwede niyong ibigay na lang iyon sa mga nangangailangan o 'di kaya ay i-donate sa isang Daycare Center o simbahan."



"What the heck? what happened to you? is this really the Alisterille Anastasia Silvero we know?" humalakhak si Hestia. Napanguso ako kaya agad siyang sinaway ni Tito.



Nagkibit balikat siya at nang aasar na pinanood lang ulit ako. Nagpatuloy naman ako sa pagsasalita.



"Hindi ko rin po alam kung kailan ulit ako makakabalik ng Manila but I promise I will comeback to visit you here." ngumiti ako.



"You have a good heart. We understand you, Dear." malambing na ngumiti si Tita Ino sa akin. Tumango naman si Tito. "Your family is in Batangas. Malamang ay namimiss mo na sila. Of course, you can go home."

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon