Chapter 19: Servant
Bumuhos ang malakas na ulan nang lumubog ang araw. Hapon nang huli kaming mag kausap ni Hades sa text dahil nag paalam siya na may kailangan pa raw siyang asikasuhin. He'll text me later if he's done.
Bawat araw na lumipas ay mas nagiging abala ako sa pag-aaral. Ganoon rin si Hades pero sinasabayan niya ng career niya.
I got bored playing a video game with Kuya Leon kaya naisipan kong bumisita muna sana sa silungan ng mga kabayo dahil naroon si Kuya Eros ngayon. Si Kuya Ace naman ay pauwi pa lang galing sa bahay nina Calista.
Ang mga planong binuo ko sa isip ko at naputol nang matanaw ko si Solana na pumasok sa main door ng mansyon. Basang basa dahil sa ulan at nakayakap na sa kaniyang sarili dahil sa lamig pero nagawa niya pa ring ngumiti nang mag tama ang paningin naming dalawa. Halata sa mga mata niya ang pagod at kahit basa siya sa ulan ay alam kong kakagaling niya lang sa pag iyak.
"Oh my god! Solana!" sumigaw ako at dali daling tumakbo palapit sa kaniya nang bigla na lang siyang mawalan ng malay.
I'm still glad na hindi tumama ang ulo niya sa sahig dahil nasalo siya ni Manang Imelda na siyang kasunod niya lang kanina sa likuran niya.
Dali dali ring lumapit si Kuya Leon at binuhat si Solana. Inutusan ko siya na dalhin muna siya sa kwarto ko para mabihisan ko siya at mapatuyuan. Matapos masabihan si Manang Imelda na kumuha ng tuyong tuwalya at dalhin iyon sa kwarto ko ay sumunod na ako sa kapatid ko.
Hindi ako mag kandaugaga dahil sa kabang nararamdaman ko para kay Solana.
What the hell is she thinking!? ang lakas lakas ng ulan at wala siyang dalang kahit anong sasakyan. Mukhang sinugod niya ang ulan para makarating rito!
Kasama ko si Manang Imelda na binihisan at pinatuyuan si Solana sa loob ng kwarto ko habang si Kuya Leon naman ay nag aabang sa labas. Natawagan na raw niya si Mama at Lola Amelia dahil sa biglaang nangyari. Pauwi na rin sila kaya kinakabahan ako!
"Salamat, Manang." ngumiti ako kay Manang Imelda matapos niya akong tulungan.
Kinuha na rin niya ang palanggana kung saan nakalagay ang mga basang damit ni Solana at ang tuwalyang ginamit pamunas sa kaniya kanina bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Nang isara niyang mula ang pintuan ay nilingon ko ang pinsan ko.
Hindi tulad kanina, maayos na ang lagay niya ngayon pero halata pa rin ang pagka putla ng kaniyang labi.
Hinawi ko ang buhok niya at inayos ang pagkakatakip ng kumot sa kalahati niyang katawan.
Tumayo ako at handa na sana siyang iwanan doon para hayaan siyang makapag pahinga pero natigilan ako nang makita ko ang bahagyang pag galaw ng ulo niya kasabay ang bahagyang pag kunot ng kaniyang noo.
Natigilan ako sa narinig ko mula sa kaniya na para bang nananaginip pa siya.
"Achellus..."
Nag ngitngit ang mga ngipin ko dahil sa galit matapos kong marinig na naman ang pangalan ng lalaking iyon mula sa bibig ng pinsan ko.
Siya na naman ang dahilan kung bakit nag kakaganito ang pinsan ko? wala ba siyang ibang alam gawin kundi ang bigyan ng sakit sa ulo at puso si Solana?!
Gusto kong abalahin ang pag tulog niya para diretso ko siyang matanong kung anong nangyari at sumugod siya rito nang basang basa sa ulan pero mukhang pagod siya at nakonsensya naman ako kaya hinayaan ko na lang siya na makapag pahinga na lang muna.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Teen FictionHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...
