45

522 11 0
                                    

Chapter 45: Hades Vincent Aljuarez



"Hades!" rinig kong tawag sa akin ni Kuya Hide at Papa pero hindi ko sila nilingon at nag patuloy lang sa pag takbo.



Binalewala ko ang mga taong dumalo sa libing ni mama dahil wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang makalayo doon. Nag patuloy sa pag buhos ang mga luha ko. Kahit na panay ang punas ko sa mga ito ay ayaw nilang huminto. Para itong sirang gripo.



Nang matahimik at makalayo ako sa puwesto kung saan inilibing si mama ay sumandal ako sa malaking puno. Natatanaw ko pa rin sila mula rito pero malayo sila sa akin. Sapat na para makaiyak ako ng malaya.



Yumuko ako at itinakip ang braso ko sa mga mata ko. Sobrang tahimik at tanging sariling hikbi ko lang ang naririnig ko.



Masakit para sa akin ang biglaang pagkawala ni mama. She's a good mom and wife to her husband. Sobrang lapit naming dalawa sa isa't isa.



She's kind and has a good heart kaya hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung anong kasalanan niya at bakit maaga siyang kinuha sa akin. Sobrang bata ko pa para mangulila sa isang ina.



Nahinto ako sa pag hikbi nang maramdaman kong may nakamasid sa akin. Hindi nga ako nagkamali. Kumunot ang noo ko habang pinapanood ang isang batang babae na nakatayo na ngayon sa harapan ko, ilang hakbang lang ang layo sa akin.



Napatingin ako sa isa pang babae na kasama niya. Mukhang siya ang nagbabantay sa kaniya. I can tell she's a maid because of her uniform.



Binalik ko ang tingin ko sa batang babae na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin.



Bahagyang nakatagilid ang ulo at inusenteng pinapanood ako na para bang kinikilala niya ako o ano. Her hair is in pigtail style at ang pink ribbons ang nag sisilbing mga tali niya. She's wearing a white dress and white shoes. Yakap ng isang kamay niya ang pink teddy bear niya habang ang isa niyang kamay ay may hawak na lollipop.



Napaayos ako ng tayo nang humakbang siya palapit sa akin.



"You're crying," she said innocently.



"Hindi ako umiiyak." tanggi ko at agad pinunasan ang mga luha. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya.



"Daddy said it was fine for a men to cry and show their weakness. There's nothing wrong with that."



I gulped before facing her again. Kung hindi ako nagkakamali ay anak siya ni Mayor Adonicio Silvero. Bunsong kapatid ng kaibigan kong si Acheron.



"You can have this." nakangiti niyang inabot sa akin ang pink teddy bear niya.



Nagtataka kong nilingon iyon.



"Anong gagawin ko riyan?" kunot noo kong tanong.



"Whenever I'm sad and crying, I always hug this teddy bear. It helps me calm. I want to give it to you so you don't have to cry anymore." nawala ang mga mata niya dahil sa pag ngiting ginawa.



Nag init ang mga pisngi ko at napapalunok na tinanggap ang teddy bear niya kahit na hindi ko naman iyon kailangan. Pero gusto kong tanggapin. Nag mulat siya ng mata kaya muling nag tama ang paningin naming dalawa.



Halos mag pigil ako ng hininga nang inabot niya rin sa akin ang isa pang lollipop na hawak niya. Hindi ko maiwasang magulat sa mga kilos niya dahil hindi naman kami magkakilalang dalawa. Kahit nagtataka ay tinanggap ko rin iyon.



She giggled and then run towards her Yaya.



"Bye bye!" she cutely waved at me and then smiled. Humawak pa siya sa kamay ng kaniyang Yaya. "Don't cry na, huh? your mom would not be happy if she saw you crying like a helpless child."

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon