30

1.1K 23 0
                                        

Chapter 30: Decision


Tulala akong lumabas ng coffee shop na iyon matapos ang pag uusap naming dalawa.



Sobrang bigat ng pakiramdam ko na hindi ko na magawang makapag lakad ng maayos. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga tuhod ko.



My phone vibrated kaya naagaw nito ang atensyon ko. Dahan dahan ko iyong inangat at tiningnan.



I saw a messages from Cali and kuya Leon pero hindi ko sila nagawang pansinin at binalewala lang iyon.



Tahimik kong nilakad ang pabalik sa pinanggalingan ko kanina. Wala ako sa sarili at minsan pang makakabangga ng mga tao pero humihingi agad ako ng tawad bago ulit mag patuloy sa paglalakad.



"Ali! what the heck! saan ka galing?"



Nabalik ako sa katinuan nang salubungin ako ni kuya Leon. Sa sobrang lalim ng mga iniisip ko ay hindi ko na namalayang nakarating na pala ako ng school.



"Uh..."



I don't know what to say. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang nangyari.



"Nakipagkita lang ako sa leader ng group project na gagawin namin." pinilit kong matawa kahit na ang bigat ng nararamdaman ko.



"Holy shit. Don't make me worry like that." huminga ng malalim si Kuya Leon bago ako pinamaywangan.



Nilingon ko si Cali na ngayon ay tahimik at nakatitig lang sa akin. Ngumiti ako sa kaniya dahil parang hindi siya naniwala sa kung ano mang idinahilan ko.



"Let's go home. Magkita na lang tayo ulit bukas. I have so many things to do." paalam ko sa kanila at pinatunog na ang alarm ng sasakyan ko.



Bumukas na ang lock nito kaya pumasok na rin ako sa driver seat, leaving them there quietly.



Nauna akong nakarating sa bahay. Lola and Mama isn't there yet. Kuya Acheron and Kuya Eros are sitting on the sala. Napatayo lang sila nang makapasok ako ng main door. Kasunod ko naman si Kuya Leon.



"Are you hungry? I cooked." Kuya Eros asked after I kissed him on the cheek.



Ngumiti ako at umiling sa kaniya bago ko sunod na niyakap at hinalikan si Kuya Acheron.



Why is he here anyway? wala ba siyang schedule for photoshoots?



"I'm full, Kuya. I'll go upstairs. I'm tired and I want to rest." binalingan ko ulit ang nakakatanda kong kapatid.



Natahimik silang tatlo at pinanood lang ako kaya naman ngumiti ulit ako bago sila tuluyang tinalikuran. Nang makalayo ako ay tsaka unti-unting nawala ang pekeng ngiti sa labi ko.



Palihim akong huminga ng malalim habang tinatahak ang mga hakbang ng hagdanan. Ibinagsak ko agad ang katawan ko sa aking kama nang makapasok ako sa kwarto. I also locked the door para hindi na nila ako masundan pa.



I let a heavy sigh before hiding my face on my pillow. Niyakap ko iyon ng mahigpit.



Ilang sandali pa ako natahimik bago ko marinig ang pag ring ng telepono ko.



Tinatamad kong kinuha iyon sa loob ng bulsa ko pero nang makita ko ang pangalan ni Hades sa screen ay agad akong bumangon. Huminga pa ako ng malalim bago tuluyang sinagot ang tawag niya.



"Hi!" pinilit kong ngumiti at maging masigla.



[Hi!] masigla niya ring bati. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti siya.

Against The Waves (Silvero Series #01)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon