32

328 13 0
                                    

Chapter 32: Mess



"Ali, mag pahinga ka muna. Ako muna ang mag babantay kay Solana." hinaplos ni Cali ang balikat ko.



Hindi ako sumagot at nanatiling nakatitig sa pinsan ko na ngayon ay nakahilata sa kama. May bandage sa ulo, may ilang galos at sugat sa kaniyang pisngi at braso. May tubo sa kaniyang bibig at nakasuot ng hospital dress.



Wala akong ibang maramdaman kundi awa para sa kaniya at galit para kay Tito Solomon.



Paano niya nagawang itago ang kasalanan niya sa amin ng limang taon? paano niya nagawang humarap sa mga tao kahit alam niya sa sarili niya na may mabigat siyang kasalanan na nagawa? At paano natiis ng sikmura niya ang barilin ang sarili niyang anak?



Patuloy ang pag luha ko pero wala iyong tunog at nakatulala lang ako. Hawak ko ang kamay niya at idinikit iyon sa labi ko.



"I'm sorry, Solana. I wasn't there..." wala sa sarili kong sabi.



"Ali? come on, you should rest first. It's already three in the morning. Wala ka pang tulog simula nung dumating ka rito." I heard Cali's worried voice again.



Wala siya kanina nung dumating ako dahil bumili siya ng makakain. She cried the moment she saw me and hugged me tightly.



"Kailangan mo ring kumain. Solana wouldn't be happy if she saw you in this situation."



Natigilan ako at natauhan sa sinabi niya.



"Masyado ka ng maraming pinagdadaan, Ali. Rest first." niyakap niya ako at hinaplos ang ulo ko.



Dahan dahan at maingat kong binitawan ang kamay ni Solana. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko nang maalalayan ako ni Cali.



She smiled at me weakly. Her eyes tell me that everything will be fine.



Matipid akong ngumiti at tumango sa kaniya. Nilingon ko si Kuya Acheron na natutulog na sa sofa. Pinahid ko ang mga luha ko bago siya talikuran at lumabas ng kwarto para hayaan siyang mag bantay muna kay Solana.



Huminga ako ng malalim nang masarado ko ang pintuan ng kwarto ni Solana pero natigilan ulit ako nang saktong pag angat ko ng tingin ay bumungad sa akin si Hades na nakaupo sa mga upuang naroon pero agad siyang napatayo nang makita ako.



Wala na rito si Mama at Lola dahil umuwi na sila kasama si Kuya Eros at Kuya Leon para na rin makapag pahinga na sila. Kahapon pa sila walang tulog dahil sa mga nangyari at sumabay pa doon ang biglaang pagkawala ko.



He's wearing a white v-neck t-shirt and light brown khaki pants. Suot niya rin ang sumbrelo niya para siguro walang makakilala sa kaniya agad.



Bumaba ang tingin ko sa kaniyang palapulsunan at suot niya pa rin ang bracelet niya. Napalunok ako nang ma realized ko na suot ko pa rin pala iyong sa akin kaya agad kong ipinasok ang mga kamay ko sa bulsa ng suot kong jacket para hindi niya iyon makita.



Nagtagal ang mga mata niya sa akin. Bumaba pa ang paningin niya sa jacket na suot ko kaya napatingin din ako doon.



It's Yorick's jacket dahil wala akong jacket na dala sa maleta ko. Napalunok ako bago siya lagpasan.



"Bakit ka umalis?" tanong niya dahilan para mahinto ako sa paglalakad.



Hindi ko na siya nilingon ulit dahil namumuo na naman ang luha sa mga mata ko. Ang boses niya ay parang humaplos sa puso ko.



"It's none of your business, Hades. You're not my boyfriend anymore kaya hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sayo lahat ng desisyon ko sa buhay at wala ka na ring responsibilidad sa akin. Don't involve yourself with my life and family anymore. Ayoko na ng gulo."

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon