29

224 11 0
                                    

Chapter 29: Sacrifice



I don't know how long I lost consciousness but when I awoke, the sky was a bit dark and blue, signaling that the sun was ready to rise.



Hindi ako gumalaw sa kamang hinihigaan ko. I was inside my room. Iginala ko ang mga mata ko. Tears immediately formed in my eyes when I remembered everything happened before my vision went black. 



Why I am here again. 



Bumangon ako sa kinahihigaan ko at napatingin sa damit ko. Nakasuot na ako ngayon ng pink pajamas ko. Mukhang binihisan nila ako habang wala akong malay. 



Balak ko na sanang tumayo pero natigilan ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Nag tama ang paningin naming dalawa ni Hades nang makapasok siya doon dala ang isang baso ng tubig.



Tulad ko ay halatang nagulat rin siya nang makita ako. Agad niyang isinarado ang pintuan at ibinaba ang baso sa side table bago siya umapit sa akin. 



"Hades--" 



Hindi ko pa natatapos ang dapat na sasabihin ko ay naramdaman ko na ang mainit niyang yakap matapos makaupo sa gilid ng aking kama. 



I was swallowed.  I'm not sure why, but what he just did trigger me, and tears flowed down my cheeks again.



"I'm sorry. I wasn't there to protect you. I'm so sorry, love. I'm really sorry." paulit ulit niyang bulong na para bang sarili niya ang sinisisi niya dahil sa nangyari sa akin kanina. 



"I-It's not your fault." nakagat ko ang labi ko dahil hindi ito mahinto sa panginginig dahilan para mahirapan akong mag salita. 



Hindi siya nakapag salita at nanatili lang na nakayakap sa akin. Sa sobrang higpit at parang ayaw na niya akong pakawalan pa. 



"Nakausap ko na si Raya. She told me everything." 



Natigilan ako.



Anu-anong mga pambabaliktad na naman ang sinabi niya sa kaniya kung ganon?



"And?" nanghihina akong natawa. "Do you also believe that I pushed her? Do you think I'm to blame?" 



Huminga siya ng malalim bago ako muling hinarap. Nakagat ko ulit ang ibabang labi ko para mapigilan ang pag hikbi ko. Hinahaplos ng isa niyang kamay ang mga daliri ko habang ang isa ay abala sa pag pupunas ng mga luha ko. 



"I know it's not your fault. You have an attitude and are short-tempered, pero alam kung hindi mo kayang manakit ng tao. I believe in you." ngumiti siya sa akin. 



Lalong bumuhos ang luha ko habang nakatitig sa mga mata niya. Mga mata niyang nagsasabi na naniniwala siya sa akin at hindi niya ako sinisisi dahil sa nangyari. 



"I don't know if you're insulting me or trying to calm me down." mahina kong hinampas ang dibdib niya dahilan para matawa siya habang ako ay patuloy na lumuluha.



"They deleted the video, and Raya also uploaded an apology video on her Instagram story, claiming that you are not to blame and that what happened was an accident." 



Natigilan ulit ako. Mukhang wala siyang alam kung ano ba talagang nangyari sa amin ni Raya Angeles kanina at kung bakit kami umabot sa ganoong sitwasyon.



She's really trying to act like a fucking innocent angel, huh?



Pinalis ko ang mga luha ko at matapang ulit na hinarap siya. Nakatitig lang siya sa akin at pinapanood ang pag kilos ko. 

Against The Waves (Silvero Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon