Chapter 04: Casa Al Juárez
"Welcome back, Solana!" sinalubong ko ang pinsan ko nang sunduin ko siya sa airport kasama si kuya Leon at kuya Acheron.
"Ali!" binitawan niya ang maletang hila niya at sinalubong din ako.
Natawa pa kaming dalawa habang niyayakap ang isa't isa. Matapos ang yakapang iyon ay hinayaan ko pa muna siya na saglit na makipagbatian rin sa mga kapatid ko.
Umingay pa kami sa daan pabalik sa parking lot dahil panay ang pakikipag biruan ni kuya Leon kay Solana habang ako rin ay nakikitawa. Kuya Acheron is just walking beside me, pulling Solana's suitcase with him. Minsan ay makikisali rin siya sa usapan. Masyado kasi siyang abala sa telepono niya.
"So, how's life in Florida? tell me everything!"
Isinabit ko ang mga kamay ko sa braso ng pinsan ko nang makasakay kami sa sasakyan ni kuya Acheron. Kami rin kasi ang maghahatid kay Solana sa kanilang mansyon because that's tito Solomon's request. He's too busy to do that by himself pero ang sabi naman nila ay naghihintay sila sa pagbabalik ng kanilang anak.
"It's stressing because it was my first time there pero nasanay naman ako. Sa loob ng anim na taong pananatili ko doon, even though I am all by myself, it's fun! hindi ako mag dadalawang isip na bumalik ng Florida but I missed Batangas too, you know!" pagkukwento niya.
Hindi ko siya inistorbo at hinayaan lang siya na makapagkwento tungkol sa mga nangyari sa kaniya doon sa Florida.
Although she was not with her family, mukhang nagsaya at nagustuhan naman niya doon. Good for her!
Just like Catalina, she's an only child at masyado namang abala ang mga magulang niya para masamahan siya doon. I'm proud of her because she faced it all by herself.
Hindi na namin nagawang tumuloy pa sa loob ng kanilang mansyon dahil nagkaroon ng biglaang schedule si kuya Ace kaya kinakailangan na naming bumalik agad.
Na-enjoy ko naman ang pakikipag usap sa pinsan ko kahit na sandaling oras lang. She also mentioned that she was planning to apply in our school. Tingin ko ay makakahabol pa naman siya doon dahil magaganda ang grades niya.
Kung kailangan niya rin mag take ng entrance exam ay baka mahuli lang siya ng ilang araw sa amin bago makapasok sa university pero tingin ko naman ay magagawan nila iyon ng paraan lalo na't isa si tito Solomon sa mga nag donate sa paaralan na iyon noon.
We're just in the same age. Tulad ko ay nag aral din siya sa malayong lugar sa loob ng anim na taon. Ang pinagkaiba lang naming dalawa ay nakayanan niya doon nang mag isa habang ako ay kasama si Cali.
[You know what, Ali? you should find a boyfriend now instead of relying on your hot brothers. Pagbigyan mo naman ako! I also need your kuya's care!] Cali on the call laughed. Tumawag kasi siya kinahapunan para mangumusta. She heard about Solana.
Napangiwi din ako habang pinapadaan ang daliri ko sa mga heels collection ko.
I am inside my walk-in closet now. Ilang taon ko rin itong hindi nakita. I'm glad that kuya Leon looked for them while I was away and living in Manila.
Sa susunod na araw na ang pasukan. Mabuti na lang ay nakabili na kami ng mga school supplies na gagamitin namin when the school year started.
Magiging magkasama ulit kami ni Cali ngayong taon sa iisang section.
"I don't need a boyfriend, Cali. My brothers are enough." I smirked.
Habang kausap ko siya sa telepono ay naisipan kong lumabas muna ng kwarto ko. Maganda ang tirik ng araw kaya naisipan kong tumambay sa tabing dagat o 'di kaya ay sumakay ng yate.
![](https://img.wattpad.com/cover/259356409-288-k795119.jpg)
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Teen FictionHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...