Chapter 06: Match
Pagtapos ng kahalating oras na bakante namin ay nag simula na sa wakas ang unang klase. Unang araw pa lang namin rito ay binabato na agad kami ng mga gawain at kung ano anong activity na dapat maipasa rin agad.
Wala pa akong makausap dahil nasa unahan si Cali. Alphabetical kasi ang arrangement kaya napunta ako sa likuran. Matapos naman ang unang subject ay pinatawag ako bigla ng team captain ng cheerleading squad na sinalihan ko para daw sa first meeting namin kaya no choice ako kundi ang lumabas ng room at sumama sa kanila. Excuse naman na ako.
Sumenyas pa ako kay Cali na magkita na lang kami mamaya sa cafeteria bago ako tuluyang sumunod sa nag sundo sa akin. Puro first years pala ang sumali sa kanila para sa ngayong taon.
Nang makumpleto na kaming mga first years ay dinala na kami sa isang gymnasium kung saan sila nag papractice. Naabutan ko pa ang ilang ingay ng mga babae sa loob. Mukhang nag papractice sila pero nahinto nang dumating kami. Agad silang umayos at sabay sabay kaming binati.
Mukhang sila yung mga old members ng cheerleading squad. Limang first years lang ang sumali ngayon, kasama na ako doon.
"All right, I have an announcement for our first meeting today, but first we should get to know them, the new first-year members who have joined our squad." nilingon kami nung team captain. "Can you please introduce yourselves to us?"
Tulad ng gusto nilang mangyari ay nagpakilala nga kami isa-isa. Sinadya kong patapusin yung apat bago ako sumunod.
"I am Alisterille Anastasia Silvero, first year. I am just new here, and I hope we get along well. It's really nice to meet all of you." nakangiti kong pakilala.
Napakurap na lang ako sa gulat nang biglang tumili ang ilan sa kanila. Maski ang captain. Mga kinikilig.
"Oh my god! you are a Silvero? from that Silvero Family?"
"Yes! she is! I saw her earlier na bumaba ng mamahalin nilang sasakyan kasama si Acheron Silvero at Leon Silvero!"
"Holy shit! I can't believe this! magiging sikat na rin tayo!" humalakhak ang isang babae.
Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko dahil hindi naman ganito ang trato ng mga tao sa akin sa Manila. Maybe my family's name is quiet popular here.
Hindi ako umimik at hinayaan lang silang pag usapan ako at ang pamilya ko. Ayos lang naman sa akin. Basta lang ay wala silang nasasabi na ikakagalit ko. Halos mag pasalamat ako nang awatin na sila ng captain kaya natigil na rin sila sa pagbubulungan.
Hindi ako sanay sa ganitong trato ng mga tao.
Matapos makapagpakilala ng halos nasa 15 members ay sumunod naman ang captain.
"I am the cheerleading captain of this squad. First years, you can call me Nova because everyone here calls me that. I am a 3rd year college. Welcome to Black Mamba Squad and it's nice to have you on this team, first years." matapos sabihin iyon ng team captain na Nova pala ang pangalan ay pinalakpakan nila kami.
Hindi ko maiwasang matuwa dahil sa ipinaparamdam nilang welcome na welcome talaga kami sa kanilang grupo. Hindi na tuloy ako makapag hintay na mag practice kasama sila.
Matapos ang ilang pagpapakilala ay pinaupo na niya kami sa sahig habang siya ay naupo sa railings na naroon. Nasa gymnasium kasi kami at katabi rin daw nito ang gymnasium ng mga kasali sa gymnastic. Ang main gymnasium ng university na ito ay ang pinakamalaki at doon ginaganap kapag may mga events or sports play.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Fiksi RemajaHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...
