Chapter 41: Promises
Warning: SPG
Matapos kong makapag bihis at makapag patuyo ng buhok gamit ang blower na nakita ko sa kaniyang banyo kanina ay napalingon ako sa pintuan.
Narinig ko ang ilang pagkatok galing doon.
"Are you done?" rinig kong tanong niya sa labas. "Can I go inside?"
"Uh..." nataranta kong kinuha ang malinis na towel at ginawa iyong pantakip sa dibdib ko. "Y-Yes! I'm done! you can go inside now." sigaw ko.
Ngumiti ako nang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Hades na nakabihis na rin ng puting sando at gray na pajama. He's now wearing his specs.
"Is everything alright?" takang tanong niya nang pasadahan ako ng tingin.
"Yeah! of course!" kunwari akong natawa pero nahinto rin nang titigan niya ako lalo.
Napalunok ako at napakamot sa dulo ng ilong.
"Anong problema?" tanong niya nang makalapit sa akin.
"N-Nothing! walang problema." umiling ako sa kaniya at ngumiti.
"Are you sure?" panigurado niya kaya tumango ako. Mukhang napaniwala ko naman siya. "Nagugutom ka na ba? ipagluluto kita."
"Thanks but I'm full."
Inalis ko sa kaniya ang tingin nang matanaw ko ang isa pang pintuan na naroon. Kanina ko pa iyon napapansin at kinukulit ako ng isipan ko kung ano ang nasa loob nito
"What's behind that door?" inosente kong tanong kay Hades nang ituro ang pintuan na iyon.
Nilingon ko siya. Tumaas ang kilay niya bago nilingon rin ang tinuturo ko.
"That's my office." lumapit siya doon at binuksan ang pinto. "You want to see what's inside?"
Ngumiti ako nang igaya niya sa akin ang loob ng pintuan. Tumango ako at dumiretso na papasok sa loob.
May malaking screen na nakasabit sa wall kaharap ng kaniyang office table.
Nagkalat naman sa lamesa ang mga script, notes at kung anu-ano pang mahahalagang papel. May drums sa bandang dulo ng kwarto. Nakasabit ang tatlong uri ng gitara niya sa pader na nasa likuran ng office chair. Tumaas pa ang kilay ko nang makita ko ang frame na nakapatong sa side table.
It's our picture together nung graduation niya.
Napangiti ako bago ulit igala ang paningin sa paligid.
May maliit rin na bar island doon. Tuloy ay parang gusto kong mag inom lalo na at maulan.
Mukhang hindi ako makakauwi ngayong gabi dahil hindi pa rin humihinto ang malakas na ulan. Ihahatid na lang raw niya ako sa mansyon kinaumagahan.
"Can I drink?" nakangisi kong nilingon si Hades na hanggang ngayon ay nakahilig sa pintuan.
Nakaekis ang mga kamay niya sa ilalim ng kaniyang dibdib habang pinapanood ang bawat pag galaw ko.
"You can't drink alcohol if you haven't eat anything yet."
Bahagya akong natawa. He's still treating me like a child!
"Come on, I'm not a child anymore, you know," I smirked before walking towards the bar island.
Kumuha ako ng dalawang wine glass na nakasabit sa taas nito. Puro mamahaling klase ng wine ang naroon kaya nahirapan pa akong pumili pero nang makapag desisyon ay agad kong sinalinan ang mga basong iyon.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Roman pour AdolescentsHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...
