Chapter 28: Blame
He assured me he will fix everything before living again.
Nasa sala ang buo kong pamilya nang makapasok ako sa mansyon. Hindi ako nakapag paalam sa kanila kanina kung bakit bigla akong nawala at hindi nakauwi agad pero mukhang may alam naman na sila kung saan ako galing kaya nginitian ko na lang sila at nag paalam agad.
Dumiretso ako sa kwarto ko at nag kulong doon.
Kahit sa pag tulog ay hindi ko nagawang makatulog agad. What happened earlier keeps bothering me. Dahil sa pag iisip doon ay tsaka lang ako nakatulog.
Pag gising ko kinabukasan ay kumalabog agad ang puso ko sa kaba.
Hindi pa ako nakakabangon sa higaan ko ay tiningnan ko na agad ang telepono ko. Nakita ko doon ang ilang text galing kay Hades kahapon pero masyadong natuon ang atensyon ko sa natuklasan ko.
Hindi nga ako nagkamali.
Bumagsak ang balikat ko dahil sa mga nakita ko nang mag bukas ako ng Facebook.
Nangyari ang kinakatakutan ko.
Ang balita tungkol kay Hades kasama ako ay mabilis na kumalat sa internet. It's all over my feed. Maski sa Twitter at Instagram ay ganoon rin.
Solana, Cali, at kahit na ang mga pinsan kong nasa Manila ay sunod-sunod na nag message sa akin tungkol sa balitang mabilis na kumalat sa internet.
Hindi ko sila magawang replayan dahil abala ako sa pag babasa ng comments ng mga taong nakakita ng post.
Picture iyon ni Hades habang nakatago ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Hindi naman ako kita sa kuha nila pero dahil nakilala ako ng mga pinsan ko ay agad silang nag-alala.
Parang dinudurog ang puso ko habang nakikita ang mga comments ng mga tao.
Everyone thinks that the girl who was with Hades last night is a third party. Iniisip pa rin nila na may relasyon si Raya Angeles at Hades.
Malaking katanungan sa kanilang lahat kung sino ang babaeng kasama ni Hades sa picture. Mabuti na lang ay ang mga pinsan ko, mga kapatid ko at si Cali lang ang nakakilala sa akin.
Imbis na bumaba sa kama ay bumalik ako sa pagkakahiga. Nagtalukbong ako ng kumot habang patuloy na nagbabasa ng comments.
It's funny because I am still interested in them kahit na nasasaktan ako sa mga sinasabi nila.
Well, they don't know anything that Hades is in a relationship with me.
"What the fuck? who is that girl?"
"Hades has a fucking girlfriend and it was Raya! who's that girl na kasama niya last night? I will fucking kick her ass If I saw her! malandi!"
"What a whore! hindi niya ba alam na may girlfriend si Hades? or maybe she used love poison and tried to get Hades' attention? lol."
"Mga kabit nga naman."
"Trying to steal Raya Angeles property, huh? lol good luck, bitch."
"Die! mang-aagaw."
Kusang tumulo ang mga luha ko sa mga masasakit na salitang nababasa ko na unti unti ring sumasaksak sa puso ko at tumatatak sa isip ko.
Ibinaba ko ang telepono ko at itinago iyon sa ilalim ng aking unan.
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Teen FictionHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...