Chapter 36: No longer
Iritado ako nang maihatid ako ni Yorick sa Mansyon. Hindi na siya nag tagal rito at babalik na lang raw ulit bukas. Nawala ako sa mood kaya alam niyang hindi niya rin ako makakausap ng maayos.
"Damn it!" padabog kong binato ang bag ko sa kama ko.
Para akong tanga na nakakagat sa kuko habang nag papabalik balik sa paglalakad habang isa-isang inaalala ang mga nangyari kanina.
Sa dinamirami ng pwede kong mabangga, bakit siya pa? at anong ginawa niya rito sa Batangas gayong sa Manila ang huli naming pagkikita?
I don't know if nature really enjoys it when I always see the person I want to avoid. It's annoying! I feel like I'm being punished by the gods!
Lalo akong nairita nang maalala pa kung anong tinawag niya sa akin kanina.
"Miss, huh? Miss your fucking face!" iritado kong sigaw.
Dahil sa galit ay hinubad ko pa ang heels ko at ibinato iyon sa may pintuan ng kwarto.
Para maikalma ang sarili ko ay napag pasyahan ko na mag pahangin muna sa tabing dagat pero parang gusto ko rin lumangoy kaya nag dala ako ng extrang damit.
Wala silang lahat sa mansyon kaya kay Manang Imelda at Kuya Lando lang ako nakapag paalam kung saan ako pupunta.
Dala ang basket na lagi kong dinadala sa tuwing sa tabing dagat ang punta ko, tahimik kong tinahak ang short cut papunta doon. Sinalubong ako ng malamig at pang hapon na hangin kaya kahit papaano ay kinalma nito ang ulo ko.
Ginala ko ang paningin ko sa paligid. Malaki ang pinagbago ng islang ito pero tulad noon ay maganda at malinis pa rin ang paligid. Ang bahay ni Achellus noon ay wala na. Tangging kulungan na lang ng mga kabayo ang nakatayo doon.
Huminga ako ng malalim bago lumapit sa mga batong malalaki na naroon. Huhubarin ko na sana ang dress na suot ko dahil nasa ilalim nito ang suot kong swimsuit pero hindi na natuloy nang matanaw ko ang pamilyar na yateng papalapit sa gawi ko.
Nang makumpirma kung kanino ang yate na iyon ay agad akong napaayos ng tayo. Kinabahan ako dahil sa naiisip kong maaaring siya ang nasa loob nito pero nang matanaw ko si Hide na kumakaway sa akin ay nakahinga ako ng maluwag.
I thought I'm gonna see him again! baka hindi na kayanin ng puso ko at tuluyan ng bumigay!
Pilit akong ngumiti at kumaway sa kaniya habang hinihintay na makalapit na ang yate.
"So it's true that you're back?" lumitaw ang mapuputing ngipin ni Hide nang ngumiti siya sa akin.
Nakahinto na ang yate kaya bumaba na siya mula doon pero natigilan ako nang makita ko rin sa loob si Tito Vicente.
Ngumiti siya nang mag tama ang paningin naming dalawa kaya ganoon din ang ginawa ko.
"Good afternoon, Tito." nakangiti kong bati.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya nang maalala na ako ang nang iwan at nakipag hiwalay noon sa kaniyang anak.
Tumango siya sa akin at nanatiling nakangiti. Nilingon ko si Hide nang makalapit siya sa akin.
"You still look the same pero tingin ko mas tumangkad ka ngayon." ngumisi siya, nang-aasar.
Umirap ako kaya natawa siya na agad kong sinabayan.
"Ano pa lang ginagawa niyo rito?" tanong ko nang hindi na makapag pigil.
"Oh, nag papatrol lang kami ni Papa kanina. Pauwi na sana kami pero natanaw kita sa telescope na gamit ko kanina."
BINABASA MO ANG
Against The Waves (Silvero Series #01)
Teen FictionHades, Like you, I also have dreams that I want to achieve. Like you, I also have my own life that I have to stand for. You have your own dreams and I have my own too. I'm writing this letter because I want to let you know, that I want a breaku...