(A)

48 2 2
                                    











"HOY, RINA! GUMISING KA NA DYAN!" rinig na rinig ko ang sigaw ni Erika na kasulukuyang minumurder ang pintuan ng kwarto ko.

Kanina pa ako gising.

Tumingin ako sa digital clock na nasa night stand at binasa ang oras. "7:12." Halos tatlong oras na pala akong gising at nakatitig sa kisame.

"RINA!" muling pagsigaw ni Erika kaya no choice, babangon talaga. "RINA! GUMISING KA NA! HOY! BUKSAN MO ANG PINTO! ANO BA! RINA!" muling nakakarinding sigaw nya.

Napabuntong hininga ako saka dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga ko.

It's been almost 6 months since he died. Miss ko na siya. Sobra. If only I can turn back time and spend more time with him, pero hanggang ganito nalang ako na puro ifs because I cannot do anything.

"Takte naman oh! RINA!" pagsisigaw pa ni Erika, this time mas lumakas ang kalabog ng pintuan. Tae. Wala akong pera pangpaayos nyan kapag nasira!

Wala akong naging ibang choice kundi ang tumayo at pagbuksan bg pintuan ang bruha. I opened the door, "RI—" and then slammed it shut. "WALANG HIYA KA TALAGA!" and then tinawag na nya ang kaniyang mga ninuno.

"ERIKA REI YAÑEZ! PURO KA MURA! NAKAKAHIYA SA MGA KAPIT BAHAY, ANO BA!" rinig ko namang sigaw ni Tita Esmee galing sa kabilang kwarto. "Jusko naman, hindi kita pinalaki ng ganyan!"

"Eh kasi naman, Mommy! Si Rina!" pagsusumbong pa nito sa nanay niya na parang inagawan ng lollipop. "Ang bastos bastos nya!"

"Sinong di bad trip sa panggigising mo, Ricks? Ang aga aga, ang ingay ingay na ng bunganga mo." boses naman ni Erich ang narinig ko. "Tsaka hindi ba dapat nilalagyan mo ng address ang pagtawag mo kay Rina? Mas matanda sya sayo, mind you."

Hindi ko na pinakinggan ang sunod pa nilang usapan at bumalik sa pagkakahiga ko sa kama. Nanghihina ako. Ayoko na mabuhay. Sa lahat lahat ba naman ng taong pwedeng mawala dito sa mundo, siya pa talaga?

If this so-called God is so great, bakit hindi mga masasamang tao ang kinukuha nya?

I was a devoted Christian, I worshipped and served him. Pero bakit ganito ang balik sa akin? Bakit ganito ang binalik nya sa akin?


Nakatitig lang ako sa kisame, at inaalala ang mga masasayang oras na kasama ko siya. At hindi ko namalayang umiiyak na naman ako. Araw gabi akong ganito, umiiyak. Tanging ito lang ang ginagawa ko sa loob ng halos 6 na buwang pagkawala niya.

Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. Madaming sana ang nasa isipan ko, mga sanang sana ginawa ko nong nabubuhay pa siya.

Hindi ko na namalayan pa ang oras. Hindi ko din alam kung ano ang araw o petsa ngayon. Wala na akong pakealam.

"Rina, hija?" bigla ko nalang narinig ang boses ni Tita Esmee, kasabay nito ay ang maiingat na pagkatok nya sa pintuan ng kwartong tinutuluyan ko. "Maga-alas tres na ng hapon, hindi ka pa kumakain simula nung nakaraang sabado. Hija, sabayan mo ako kumain."

"A—," biglang pumiyok at nawala ang boses ko na siguro ay dala sa hindi ko pagkain ng isang linggo. I cleared my throat before speaking, "Ayoko po, Tita. Busog po ako. Salamat nalang po." magalang na pagtanggi ko.

GLAD YOU CAME BACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon