CHAPTER III

15.5K 542 22
                                    

1835h

 ~~~~~

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Haaay salamat! At tapos na ang first subject namin. Agad naman akong lumabas ng classroom para maiwasan si Kenson. Patai talaga ako dahil ako ang sinisisi niya. Eh myembro kaya yun ng isang gang dito sa school. At ang gusto niya, siya palagi ang tamaaaa!!!

Oh noo!!!

Agad akong tumakbo papunta sa next subject namin para maka-iwas, pero nagulat ako nung biglang may humila sa akin at tinakpan ang mga mata ko.

            “WAAAAGH---“

Sumigaw ako pero tinakpan din nila ang bibig ko.

Nakooo!!! Kasamahan ni Kenson ito. PAPATAYIN NILA AKOOO!!!!!!!!!!!!

Maya-maya pa’y tinanggal na ang nakatakip sa mata ko, nagulat ako dahil nakatali na ako sa isang upuan sa loob ng isang abandonadong classroom na isang ilaw lang ang nakabukas, may mga lalaki namang lumapit sa akin at tila nakangiti ng masama. Oh no...ano kayang plano nilang gawin sa akin? Napapikit ako. Nako! Huwag naman sana?!?!?!?! HUWAG NIYO AKONG IRAPE!!!!!!!!!!!!!!

Inimulat ko ang mga mata ko at nakita ko na nasa harapan ko na si Kenson.

            “Sa susunod na ipahiya mo ako, ipabubugbog na talaga kita.”

Nalito naman ako sa sinabi niya.

            “H—hindi naman ako ang nagpahiya sayo ah?”

Kinabahan ako nung sumagot ako sa kanya, eh totoo naman ah? Ako ba ang nagpahiya sa kanya?

            “Hindi nga, ikaw sana ang ipapahiya ko, kasi ang epal ni Ma’am.”

Tumalikod siya at kumuha siya ng mataas na tubo.

            “Hmmm, bakit hindi si Ma’am ang ipabugbog mo?”

BLAST!!! Nasabi mo talaga yun Micca Ella?!?! Napapikit ako ulit. Nako po.

            “Tumahimik ka!!!”

Hahampasin na sana niya ako nung tubo, napatalikod ako at napasigaw.

            “AAAAAAAAAAAAAAAGH!!!”

Biglang pumutok ang ilaw, at gumalaw ang mga upuan na nasa loob ng classroom, lumingon ako sa tubong hawak-hawak ni Kenson at nagulat din ako ng bigla niya itong nabitawan at tumilapon palabas ng bintana ng room.

            “P—pare, may multo dito! May multo dito!!!”

Nagsitakbuhan ang mga kasamahan ni Kenson. Pati si Kenson nagsimula nang matakot, napa-atras siya at agad din namang tumakbo palabas ng classroom.

            “Huie!!! Teka!!!”

Tinawag ko sila pero nakalayo na ata sila.

            “Mga walang hiya. Iniwan nila ako dito?? Na-nakatali?!?!?!?!”

Tumigil sa paggalaw ang mga upuan, bigla naman akong kinilabutan.

Baka nga talaga may multo dito...

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon