CHAPTER XXIX

9.2K 300 4
                                    

2241h

~~~~~

A.N.

nakita ko lang yan sa google at nagustuhan ko ang style kaya...yan ang design ng gown ni Micca Ella...hihihihihi...XDD

(ALL RIGHTS BELONG TO THE OWNER!!)

Okay....proceed!............saan na nga yun?? XD

~~~~~

Napalingon naman ako nung biglang nagsara ang pinto. Lumapit ako at hinawakan ang doorknob para buksan ito, ngunit hindi ko ito mabuksan. Ano ba ito.

        "Rosella?! Rosella! Buksan mo tong pinto!"

        "Ayoko nga!"

Anong sabi niya?! Ayaw niya. Hah. Siya nga ang naglock nito. Ano nanaman bang trip toh?!?!

        "Rosella!! Ano ba?!"

        "Mabulok ka diyan! Hindi ka makakapunta ng prom!!!"

Narinig ko ang mga yapak niya, pababa na siya. 2nd floor kasi ang kwarto namin. May narinig naman akong sasakyan na nagpark kaya naman tumingin ako sa bintana ng kwarto ko. Hala. Andito na si Robin!

~~~~~

[Rosella's POV]

        "Rosella, si Micca Ella?"

Napangiti ako.

        "Uhm. Sorry Robin ha, hindi siya makakapunta eh."        

Nagulat naman siya.

        "Huh? Bakit daw?"

        "Eh kasi--"

        "Haaay. Sorry ha, may inayos lang ako sa gown ko."

Nanlaki ang mata ko nung narinig ko ang boses ni Micca Ella kaya napalingon ako sa likod ko. What the hell?! {Nako. SPG -- Lingwahe. :P}

Napanganga ako sa hitsura niya, nakasuot siya ng skyblue na gown. Wala siyang suot na eyeglasses, naka-side bangs, at coronation hair ni Elsa sa Frozen ang ginamit niyang hairstyle. Saan niya natutunan ito?!

        "Wala pa ba ang date mo Rosella?"

Lumingon ako kay Robin.

        "Nagtext siya, malapit na daw siya."

        "Mmm. Sige. Mauna na kami ah."

Binuksan ni Robin ang pinto ng sasakyan niya tiningnan ko ng masama si Micca Ella pero bago siya nakapasok sa sasakyan, seryoso na may halong inis ang tingin niya sa akin. Isinara niya ang pinto at umalis sila ng bahay.

Impossible. Paano niya nabuksan yung pinto?! Papasok sana ulit ako ng bahay ngunit timing naman na dumating na ang date ko na si Eric.

~~~~~

Haaaaay. Kung wala lang talaga akong telekinesis, ewan ko nalang kung anong gagawin ko. Siguro, nag-ala Rapunzel na ako doon, gagamitin ko yung mga kumot ko bilang lubid. Pero, mas ma-aksyon lang talaga ang ginawa ko kanina...

[Flashback...]

        "Rosella! Ano ba!!!"

Napabuntong hininga ako. Gamitin ko nalang kaya ang telekinesis ko...

Gamit ang isipan ko, itinulak ko ang pinto at natanggal ito sa pader, matutumba na sana iyon kaso ginamit ko ulit ang isipan ko upang lumutang ito. Eh kung matumba yun ng tuluyan, tutunog ito at maririnig ito ni Rosella.

Kaya dahan dahan ko itong ibinaba sa sahig. Pagkatapos nun, agad akong lumabas ng kwarto, habang bumababa ako, gamit parin ang isipan ko, inayos ko ang buhok ko. Type ko naman kasi yung coronation hair ni Elsa kaya yun ang ginawa ko sa buhok ko.

Pagkatapos nun, nakalabas na ako ng bahay.

[End of flashback...]

Naramdaman ko namang huminto ang sasakyan, napapikit kasi ako, muntikan na nga akong makatulog kung hindi lang huminto itong sasakyan eh...lumingon naman sa akin si Robin na naka-upo sa front sit.

        "Nandito na tayo."

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon