PR_CHAPTER III

6.8K 182 0
                                    

Psychotic Rage Chapter III


Nagtingin-tingin ako sa paligid habang naglalakad kami patungo sa ipinatayong bahay ni Samantha. Medyo malayo pa yun, eh masyadong maraming tao at hindi kasya ang Impala ni Rachel dito.

Parang may festival. May mga lalaking nag-gigitara at nagkakantahan, may mga batang naglalaro, may mga babaeng nagtsismisan. May isang babae naman na sumalubong sa amin. Mukhang mas bata pa ito ng dalawang taon kaysa sa akin.

"Hi! Welcome to Sityo Kalapasan!!!"

Masayang bati niya.

"Ah, hello."

"My name is Ingrid Orenda Saragossa. At ako ang magsisilbing tour guide ninyo dito! Gusto niyong mamasyal muna...o baka naman napagod kayo sa byahe, pwede na nating ipagpabukas yun."

Naglingunan kaming tatlo nina Samantha at Rachel habang nakatingin lang si Ingrid sa amin na nakangiti.

"Ah...bukas nalang siguro kami, si Rachel oh, uuwi na kasi kaagad yan, pwede mo siyang ipasyal."

Lumingon si Rachel kay Samantha, lumingon din si Samantha kay Rachel at binigyan niya ito ng ngiti na may kahulugan.

"O—kay, sige. Pagod yang dalawang yan. Tara!"

~~~~~

"Haaay! Grabe ang probinsya na ito!!! Parang hindi probinsya!!!"

Naka-upo kaming dalawa ni Samantha sa kawayan na upuan, sinlaki lang ng sofa. Napalingon kaming dalawa kay Rachel na kakapasok lang.

"Anong nangyari?"

Tanong ni Samantha.

"Ang laki pala ng Sityo Kalapasan, may simbahan, may plaza, maraming magagandang tanawin, pero, hindi ko iniexpect na aakyat kami sa bundok, pero grabe! Ang ganda ng view sa bundok na iyon!!! Tapos, malapit pa sa clouds! Kaso nga lang walang mall dito at ang signal nag-eexist lang sa bundok."

Nahihingal na sagot ni Rachel.

"Magpapahinga lang ako saglit tapos uuwi na ako."

Umupo siya at tumabi siya kay Samantha.

"Nako guys, kahit na nakakapagod ang 'tour' na iyon, maganda siya. Promise."

Tumayo si Samantha para kunan ng tubig si Rachel, hinihingal parin kasi hanggang ngayon. Si Rachel naman, lumingon sa akin.

"Micca Ella, anong feeling ng may tk?"

Panimula niyang tanong.

"Hmm...hindi ko ma-explain eh. Parang normal lang din, pero, kailangan kong mag-ingat sa mga emosyon ko, baka maulit pa ang nangyari noong nakaraang buwan."

Tumango siya.

"Eh...tanong ko lang ha, curious lang kasi ako...kayo ba ni James?"

Nanlaki ang mga mata niya at bigla siyang natawa.

"Nako, marami na talagang nagtatanong sa akin niyan. Hindi. Magkaibigan lang kami, church mate ko kasi siya."

"Aaaaah."

"Sa totoo lang, nakokonsensya ako sa ginagawa ni Rosella sayo, pero, natakot ako na siraan niya ako, alam mo naman na magaling siyang mansira ng isang tao."

Tumango lang ako.

"O, tubig oh."

Lumingon kaming dalawa ni Rachel kay Samantha na may dalang isang pitser na may lamang tubig, nagdala din siya ng baso at nilapag niya ito sa kawayan na mesa. Kinuha ni Rachel ang baso at binuhusan niya ito ng tubig.

Pagkatapos niyang uminom, tumayo siya at nagpaalam na sa amin na uuwi na siya, pero bago siya makalabas ng pinto, lumingon siya ulit at parang may nakalimutan.

"Sam, alam na ba ito ni Robin?"



Naglingunan kaming dalawa ni Sam.

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon