2119h
~~~~~
"Saan ka ba galing, ha?!"
Sinigawan ko si Robin na kararating lang, buti nalang at hindi pa tinatawag ang team namin. Pero, hala, teka nga. Sinigawan ko siya?!
Lumingon ako sa kaklase ko at nakatitig silang lahat sa akin, lalo na ang mga babae. At masama pa ang mga tingin nila. Kung nakamamatay lang ang mga tingin, siguro, inilibing na ako noon pa. Nakakakilabot naman ito.
"Hmm. Lumabas lang sandali."
Ngumiti si Robin sa akin. Para naman akong natutunaw...at least, nabawi ang kaba ko. Wahihihi. melende leng. :P
"Team 5!"
Iniwas ko ang tingin ko kay Robin nung tinawag na kami. Lumapit na kami sa net. Apat kasi kami sa grupo.
"So, sinong unang maglalaro?"
Nagtinginan kami ng mga groupmates ko. Walang sinuman ang sumagot, lalo na nung nalaman namin na sina Rosella ang makakalaban namin. Magaling pa naman yun maglaro ng badminton. At oo, walang gustong kumalaban sa kanya. Pati si Robin napa-atras din.
"Kayong dalawa nalang kaya ni Amy?"
Tinuro ni Robin sina Amy at Chris. Sila ang kagrupo namin, umatras naman ng isang hakbang si Amy.
"Ayoko nga!"
Todo-tanggi niya.
"Ayoko rin."
Umatras din si Chris.
"Si Micca Ella nalang oh!"
Tinuro ako ni Chris.
"Huwag na! Ako nalang!"
Nagulat ako nung biglang umabante si Amy.
"Guys, ako nalang ang mauna, eh hindi naman ako magaling sa baadminton. Ang susunod na maglalaro ang tatalo kina Rosella."
Naglingunan sina Chris at Amy at tumango sila sa isa't isa.
"Huh. For the first time in forever nagkaroon ng point ang baliw."
Lumingon si Robin kay Amy at tiningnan siya ng masama.
"What?!"
"Correction, ina niya ang baliw, hindi siya."
Kinuha ni Robin ang racket niya at pumunta na siya sa pwesto ng players.
"Micca Ella, hali ka na!"
Inimbitahan na ako ni Robin na pumunta sa pwesto ko, napuno naman ng pagtataka ang mukha ko.
"Ikaw ang maglalaro?"
Nagtataka parin ako.
"Mm. Hindi ah!"
Ha. Ha. Hindi din siya pilosopo. Tss.
"Okay! Rosella and Rachel Vs. Micca Ella and Robin. Game starts...NOW!"
Kinabahan ako bigla, si Rachel ang nagserve.
At papunta sa akin ang shuttlecock.
BINABASA MO ANG
Secretly TELEKINETIC
Science FictionMeet Micca Ella Collins, isang ordinaryong teenager na currently nasa ika-apat na taon ng highschool, pero hindi tulad ng ibang estudyante, malungkot ang highschool life niya, biktima siya ng karahasan na kadalasan nangyayari sa mga paaralan; BULLYI...