CHAPTER VI

14.7K 487 5
                                        

04-02-15 2346h

~~~~~~~~~~~

Magic powers, miracles, mga psychic, witchcraft, supernatural...ano pa kaya? Ang dami narin ng mga librong nakuha ko dito sa library. Napapansin ko na talaga ngayon na may kakaiba sa akin.

Bata palang talaga ako, minsan kapag nagagalit o naiinis ako, biglang pumuputok ang ilaw namin. Nagugulat nga si "Mama" at si Rosella. Ai, ko nga pala, nakalimutan Kong I mention na may "kapatid" ako. Si Rosella Williams. Actually nga, best friend niya si Samantha. At kung minsan, siya ang nangugunang ibully ako.

Paano ba naman, ang paniniwala niya, inagaw ko ang daddy niya. Well, so much for that...whatever, umupo ako at nagsimulang magbasa ng mga aklat na kinuha ko. Wala sa witchcraft o miracles na aklat ang nagmatch, tinry ko ang aklatna tungkol samga psychic at magic powers. May nakita naman ako.

Telekinesis.

Ang kakayahan na pagalawin ang isang bagay gamit lamang ang isipan.

Yung mga ilaw kapag naiinis ako...
Ang mga upuan soon sa room na iyon,
At hung biglang nabasag ang salamin sa CR,
Pati na yung tali na biglang natanggal...

Ako ang gumawa nun?
Gamit ang isipan ko?
Pero paano?

Hindi naman masyadong detailed ang mga nakasulat sa aklat na magic powers, itinuloy ko naman ang pagbabasa sa aklat na tungkol sa psychics. At doon ko nakita ang tungkol sa telekinesis.

Namamana ito ng mga anak sa magulang.

Maaaring galing ito sa tunay kong Ina. O kaya...sa aking...ama?

Pero. Hindi na mahalaga kung saan ito galing. Ang importante, meron ako nito. Pero, paano ko kaya ito kokontrolin?

"Telekinesis - concentration and emotion."

Emotion? Hmmm....that explains the...basag-ilaw thing?

~~~~~

Isinauli ko ang mga aklat at agad along lumabas ng library. As usual nakayuko ako at nagmadaling maglakad. May 20 minutes pa namang natira sa free time ko. Tinabunan ng aking mahabang buhok ang aking mukha, kaya naman pinagkamalan nanaman along multo.

AS USUAL.

Agad along pumasok sa internet room ng school namin. Sakto naman at may vacant. Agad akong umupo at binuksan yung computer.

Nagresearch kaagad ako tungkol sa telekinesis. May nakita naman along several videos tungkol dito. Ipinanood ko ang mga videos at nakita ko ang isang tao na meron ding telekinesis, nagconcentrate siya at unting unti naman lumutang ang mga aklat sa paligid niya. Wow! Grabe pala itong telekinesis noh!? Matry ko kaya?

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!*

Nako. Tapos na pala ang free time namin.

Tumakbo ako patungong Room 15. Araling Panlipunan ang subject namin ngayon. Boring na nga ang subject, pati teacher namin boring din. Haaay.

Imbes na makinig ako sa discussion in sir, sinubukan ko ang kakayahan ko. Tumingin ako sa bintana at naghanap ng bagay na maaring gamitan ng telekinesis ko.

Tinitigan ko ang isang faucet sa lab as ng main building sa school. Unti-unting nagbukas ang faucet at umagos ang tubig. Gamit din ang isipan ko, isinara ko ulit ito.

"Miss Collins?"

Nanlaki naman ang mga mata ko nung nakita kong nasa harapan ko na si sir.

Secretly TELEKINETICMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon