CHAPTER XXI

10.1K 339 16
                                    

04-15-2015        1213h

~~~~~

        "Robin?"

        "Robin?!"

Lumingon ako kay Kenson. Echo?!

        "Ken!"

Nakangiting bati ni Robin.

        "Sorry ha. Na-una na kasi ako eh."

Umupo si Robin sa tabi ko tapos inakbayan ako. Eeek. Matutunaw na ako. Ohmergeerd!!! (O///O) Nagpout naman si Kenson.

        "Sayang, pre! Na-unahan ka na pala!"

Salita ng isang kasamahan ni Kenson.

        "Teka nga. Akala ko ba si Samantha ang date mo?"

        "Eh. Hindi kasi sasama si Samantha sa prom dahil may gagawin siya sa Cebu."

Sumimangot naman si Kenson at tumayo siya sa kanyang kina-uupuan.

        "Hmp! Kayo na nga lang ang kumain! Robin, ayan oh, libre ko na! Hindi ko pa yan kinainan!"

        "Hoy, Kenson. Subukan mong ipabugbog ako mamaya. Alam mo na kung ano ang mangyayari."

Banta ni Robin.

        "Oo na! Eto naman! Aalis na nga oh!"

Umalis si Kenson kasama ang mga kagrupo niya.

        "Pssh. Tapos na akong kumain."

Inilayo ni Robin ang spaghetti na binigay ni Kenson sa kanya. Lumipat din siya sa harapan ko. Tinanggal ko muna ang eyeglasses ko at nilinisan ko ito.

        "Subukan mo kayang hindi magsuot ng eyeglasses, kahit isang araw lang."

Tiningnan ko si Robin.

        "H--ha?"

        "Alam mo. Mas maganda ka kapag hindi ka naka-eyeglass."

        "Di nga?"

        "Oo."

Naramdaman ko namang uminit ang pisngi ko. Nyeeeeeeh?????? Isinuot ko ulit ang eyeglasses ko.

        "Hindi pwede. Malabo ang mata ko."

Hindi siya sumagot. Tiningnan niya lang ako habang nagsimula akong kumain ng ibinigay sa akin ni Kenson. Sayang naman kung hindi ko kakainin. Binayaran ba naman ito nung tao. Nakapagtataka nga lang.

Nung isang linggo lang, muntikan na niya akong ipabugbog. Tapos ngayon eh. Inilibre pa niya ako ng tanghalian.

At dahil lang iyon sa isang badminton game. O___o

Habang kumakain ako, tinitingnan lang ako ni Robin. Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

        "Bakit?"

        "Wala. Bakit?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

        "Uie, idol!"

Idol?? Sinong tinutukoy nila na idol? Si Robin??

       "Bakit hindi mo sa amin sinasabi na magaling ka sa badminton?"

Nagulat ako nung bigla namang tumabi si Aliah sa akin. Oo. Siya yung nanunukso sa akin ng multo...dati?

        "Paano ko sasabihin eh, hindi ka nga lumalapit sa akin dahil tinatawag mo akong multo. At isa pa, hindi ako magaling sa badminton noh."

Mahinang boses kong sabi.

        "Di nga?! Natalo mo nga sina Rosella eh."

Napapikit ko.

        Natalo ko sila dahil sa telekinesis, hindi dahil magaling ako.

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

        "Uie. Nagbell na pala. Micca, sabay na tayo?"

Anyaya ni Aliah.

        "H--huh? Sigurado ka?"

        "Oo naman. Tara."

Tumayo siya sa inuupuan niya. Tumayo narin ako.

        "Uie. Sama na ako."

Sumunod si Robin sa amin.

Huh. So...

Life changes in just one badminton game? o___O

~~~~~

A.N.

Ini-unpublish ko muna yung ITNOFL (In the Name of Friggin' Love)

uunahin ko munang tapusin itong story na ito...Stay tuned! :D

~UNKNOWNnimousXD

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon