PR_CHAPTER IV

5.7K 168 6
                                        

Psychotic Rage Chapter IV


[Robin's POV]

Haaay. Ang ganda ng tanawin sa beach, summer na summer kasi, andito kami sa Boracay ngayon, trip lang ng family ko.

Naka-upo lang ako sa isang cottage habang pinapanood ko ang mga batang naglalaro sa buhangin. Nakakatuwang panoorin.

"Robin! Tingnan mo ito, dali!"

Napalingon ako sa pinsan ko na hinihingal, tumakbo ata to, ang layo kaya ng resort dito.

"Ha? Bakit?"

"Basta."

Hinila niya ako pabalik ng resort, sa kwarto namin, nakita kong nanonood ng TV ang iba ko pang mga pinsan, at may pag-aalala sa mga mukha nila.

"Anong meron?"

Tanong ko, tapos umupo ako sa couch para makinood din. Tanghaling-tanghali, balita ang pinapanood nila. Akala ko ba Showtime ang mag-eere sa dos tuwing tanghali??

Tinuro ng isang pinsan kong lalaki ang TV, pinanood ko ito at nakita ko ang nasusunog na building. Anong meron sa nasusunog na building?

May babaeng nagpakita sa camera.

Napa-atras ako. Nakakatakot ang hitsura niya, sunog pa ang mukha.

 "Ako si Micca Ella Collins. At magbabayad kayong lahat!!!"

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Robs, hindi ba siya yung...yung Carrie White?"

Hindi ko magawang magsalita.

Impossible...

Buhay siya?

Anong nangyari sa kanya?!

Tumayo ako it lumabas ako ng resort, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Sam, sumagot siya sa ika-apat na ring.

 "Bi, napatawag ka? Musta ang bakasyon?"

"Okay lang naman. Nakita mo ba yung News Patrol ngayon?"

 "Bakit? Anong meron sa News Patrol?"

~~~~~

[Samantha's POV]

Agad akong nagdrive pabalik ng Sityo Kalapasan, nasa Maynila kasi ako ngayon at may inasikaso lang tungkol sa diploma ko, wrong spelling kasi ang epilyedo ko nun, imbes na 'Jones', naging 'Jonnes.' Kailan pa ba naging double n ang apilyedo ko???

Kinabahan ako bigla noong pinanood ko ang sinabi ni Robin. Ano nanaman bang kalokohan ang ginawa ni Micca Ella....baka, nawala nanaman siya sa sarili niya.

Hapon na akong nakarating ng Sityo Kalapasan, bahala na si Dad, kinuha ko na talaga ang sasakyan ko.

Pagkapasok ko sa bahay, nadatnan ko si Micca Ella na nakasubsob sa mesa.

Tulog.

Iniangat niya ang tingin niya nung sinara ko ang pinto, nalakasan ko at nagulat siya.

"O. Sam, akala ko bukas ka pa babalik? Hapon na ah?"

Antok niyang sabi, na parang wala siyang ginawang kalokohan, pinanliitan ko siya ng mata.

"Umamin ka nga. Pumunta ka ba ng Maynila at nanunog ng building?"

Napataas ang kilay niya at nagtaka.

"Ha?"

"Nakita kita sa News Patrol kanina."

Lalo siyang nagtaka.

"Andito lang naman ako ah? Tsaka, hindi nga ako lumalabas ng bahay, bumalik pa kaya ng Maynila, eh hindi ba patay na si Micca Ella Collins?"

Tinasaan ko siya ng kilay.

"Eh sino yung nakita ko sa TV kanina? Na nagsasabing, siya si 'Micca Ella Collins?'"

Napanganga siya.

"Sino naman ang gustong magpanggap na ako?"

"Malay ko. Baka ikaw."

Natigil ang usapan namin nung biglang may kumatok sa pintuan, binuksan ko ang pinto at nakita ko si Ingrid na may dalang basket.

"Friendly neighbor here, dalhan ko lang kayo ng jam, at prutas."

Nakangiting sabi niya habang inangat niya ang dala-dala niyang basket.

"S—salamat."

Tinanggap ko ang basket, nagpaalam na siya at umalis.

Ang friendly naman niyang masyado, sinara ko ang pinto at ibinalik ko ang tingin ko kay Micca Ella na nakatulala at nakatingin lang sa mesa.

"Huie!"

Tumingin siya sa akin at nakataas ang isang kilay niya, at ang kanyang mukha at puno ng pagtataka at kaba.



"Sam, paano kung buhay si Rosella?"

~~~~~

lumagpas nanaman ako sa word bracket ko...pambihira. XD


ito na ang link, sa mga interesado sa Fantasy...hihihi:

http://www.wattpad.com/story/38066707-dear-mr-gold

Secretly TELEKINETICMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon