PR_CHAPTER V

5.5K 170 0
                                    

Psychotic Rage Chapter V

 

[Samantha's POV]

            "Si Rosella? Buhay?? Paano nangyari yun?"

Nagtinginan kaming dalawa.

            "Hindi ko alam, pero kung parehas kaming may tk o...pk, baka nakagawa siya ng paraan para makatakas doon."

Bigla akong kinabahan, paano kapag totoo ang sinasabi niya? Na buhay si Rosella? At ngayon naninira siya. Napahinga ako ng malalim.

            "Uh, sige, babalik na muna ako ng Maynila para malaman natin ang totoo. Tsaka, baka hinahanap narin ako ni Daddy, kinuha ko ba naman ulit ang sasakyan ko ng walang paalam sa kanya."

            "Uh, s—sige, balitaan mo nalang ako sa susunod na balik mo."

Hinatid ako ni Micca Ella sa labasan, pagktapos nun, nagpaalam na kami sa isa't isa at nagdrive na ako pabalik ng Maynila.

~~~~~

Umalis na si Samantha pabalik ng Maynila, ako naman, naglalakad patungong bahay. Habang naglalakad, nagtignin-tingin lang ako sa paligid.

Pagkarating ko sa bahay, kinain ko yung prutas na binigay ni Ingrid kanina, pagkatapos nun, pumasok na ako sa kwarto, humiga lang ako hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako...

~~~~~

Nagising nalang ako isang umaga, lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Samantha na naka-upo lang sa harap ng mesa, may tasa sa harapan niya, lumingon siya sa akin habang palakad ako palapit sa kanya.

"Gising ka na pala."

Walang emosyon niyang sabi, napalingon ako at nagtaka, parang wala siya sa mood ah.

"Ok ka lang, Sam?"

Pagtataka kong tanong sa kanya, may maliit na ngiti na humulma sa labi niya, tumayo siya sa kina-uupuan niya, bigla akong kinabahan.

"Paano kung sabihin ko sayo ang katotohanan?"

"A—anong...anong ibig mong sabihin?"

Lumawak ang ngiti niya, tumingin ako sa paligid ko at nakita kong umaapoy na ito, kahit saan ako lumingon, may apoy.

"Sam, anong—-"

Napa-atras ako nung nakita ko na hindi na si Samantha ang nasa harapan ko, isang babae na sunog ang kanang bahagi ng kanyang mukha, nakasuot siya ng napunit na gown na kulay orange, ang ibang bahagi naman ay nasusunog na.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko...

"Rosella?"

Ngumiti siya at tinaasan niya ako ng kilay.

"Micca Ella. Humanda ka."

Ginamit niya ang isipan niya at biglang lumutang ang isang mesa na nag-aapoy, at bigla niya itong binato sa akin.

HUUUUUUWAAAAAAAAG!!!!!!!!!!!!!!!!!

Biglang nagbukas ang mga mata ko at napabangon ako bigla. Napahinga ako ng malalim.


Mabuti nalang at panaginip lang yun...

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon