CHAPTER XXVIII

9.4K 289 11
                                    

2206h

A.N.:

kumusta ang plot twist?

Twist ba?? XD (lol. hanuubayan..)

~~~~~

{6 hours before prom...}

Lumabas na muna ako ng bahay at pupunta na muna ng mall. Buti na nga lang at may natira pa akong pera pambili ng pangmake-up o kung anong ka-churba-ek-ek. Narinig ko na may humintong sasakyan sa likod ko kaya napalingon ako.

        "Mic!"

        "Sam?"

Ngumiti siya.

        "Teka, akala ko ba--"

        "Pssh. Mamayang alas 3 pa ang flight ko, huwag kang mag-alala, hindi naman masyadong traffic ngayon. Teka, saan ka nga pala pupunta?"

        "Heto, bibili sana ako ng make up at kung anong ka-churba-ek-ek, para naman magmukha akong tao mamaya sa prom."

Napatawa naman siya.

        "Eh. Ano ka ba? Hindi mo na kailangang bumili noh. Dinalhan na kita, dumaan ako sa bahay ninyo kaso walang tao. Asaan pala si Rosella at Tita Rosa?"

        "Ewan ko. Hindi ko alam. Teka. Dinalhan mo ako ng make-up?"

        "Yup!"

Binuksan niya ang pinto ng kanyang kotse at kinuha ang isang paper bag. Tiningnan ko kung ano ang nasa loob ng paper bag, nanlaki naman ang mga mata ko nung nakita ko ang brand ng isang make-up.

        "Mamahalin to ah?"

        "Ahaha! Siyempre! Ako pa."

        "Nako Sam. Salamat talaga ha."

        "Anything for Robin's..."

Napataas ang kilay ko.

        "...date."

        "Sam."

Bigla naman akong naging seryoso.

        "Kahapon kasi..."

        "Bakit? Anong nangyari kahapon?"

Pag-alalang tanong niya. Kinabahan tuloy ako. Paano kung magalit siya sa akin kapag sinabi ko sa kanya na hinalikan ako ng ex niya? Pero....ano bang gagawin ko?

        "Ah, eh. Hehe. Wala. Salamat ulit sa make-up ha?"

Iniangat ko ang paper bag na bitbit ko, tumango naman siya at ngumiti siya sa akin.

        "Micca Ella. Kapag may sinabi si Robin sayo...huwag kang tumanggi ha. Huwag kang tatanggi. Ipromise mo yan."

        "Ah....sure."

        "Sige. Alis na ako. may aasikasuhin pa ako para sa flight ko. Nagpromise ka na ha!"

        "S---sige. Promise yun. Sige, good luck sa flight mo."

Binuksan na niya ang pinto ng kotse niya.

        "Good luck din sa prom."

Kinindatan niya ako pagkatapos pumasok na siya sa kotse niya. Umalis na ang kotse habang naiwan akong nakatayo dito. Eh, ano pa ba ang bibilhin ko sa mall, andito na ito. Makabalik na nga ng bahay. Maghahanda na ako.

~~~~~

[Rosella's POV]


{2 hours before prom...}

 Oh my gooosh!!! 5pm na! Parating na ang date ko.

*riiiing! riiing!*

        "Rosella! Asaan ka na?"

        "Rachel? Don't tell me andyan ka na sa Grand Hall."

        "Duh! Kaninang 4:30 pa kami ni James nandito noh!"

        "Grabe! 6:00 pa magsa-start ang prom, gaga!"

        "Kasalanan ko ba na excited itong si James? Ang aga kaya niya akong sinundo. Ah basta. Halika na dito!"

        "Pssh. Maghintay nga kayo! Kasalanan niyo talaga na masyado kayong excited! Diyan na nga kayo!"

I hang up the phone. Nakaharap ako sa salamin at nilagyan ko ng lipstick ang labi ko. Ayan, ang ganda-ganda ko na! Hihihi. Nakita ko naman sa reflection ng salamin si Micca Ella na palakad lakad, bukas kasi ang pintuan ko kaya madali ko lang siyang nakita.

Then a thought stucked my mind....

Pumunta ako sa kwarto ni Micca Ella, hindi ako pumasok, instead, sinara ko ang pinto niya at inilock ko para hindi siya makalabas. Napatawa naman ako ng mahina...

Tingnan natin ngayon kung makakapunta ka pa sa prom, bruha ka. >:)

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon