CHAPTER XXXIV

7.4K 241 6
                                    

Written: 04-17-2015   2037h              Published: 04-19-2015 1855h

M.A.N.

Hi guys!!! Pasensya na kung hindi ko naipagpatuloy ang update nung isang araw. Naubusan ng load ang broadband eh..hehehehe...anyways,

BAHA-ANG UPDATE ANG GAGAWIN KO NGAYON!!!! (evil laugh) :P

~~~~~

Nagtatawanan ang lahat ng estudyante nung nakita nila na bumagsak ako sa sahig. Pero ang narinig kong may pinakamalakas na tawa ay si Rosella.

            "Mic, okay ka lang?"

Hindi ko na namalayan ang pagtatanong ni Robin. Bigla nalang akong natulala, wala na akong ibang narinig kungdi ang mga tawanan at ang mabilis na tibok ng puso ko.

*BLACK OUT*

~~~~~

[Rosella's POV]

Ayan na! Pipiliin na nila kung sino ang magiging prom king and queen. Nako, for sure ako ang mananalo. Ako dapat ang manalo. Hindi ako pwedeng matalo nito. Mabuti nalang at wala si Samantha kaya mas malakas ang chansa ko na manalo.

            "And the prom king and queen is..."

Oh my gosh. Rosella Williams, here it goes...

            "Micca Ella Collins and Robin Singers."

WHAAT?!?!?!?!?! NOOO!!!!!!!

{Author: Expect pa more! MWAHAHAHA!!!}

Shut the hell up, Author!!!

Hindi pwede!!! HINDI PWEDE!!!!!!!!!!!!

Naglalakad na sila patungo sa stage, kaya naman tinitigan ko ang heels ng sandals ni Micca Ella at natapilok siya. Hah. Buti nga sa kanya. Hahaha.

Nagtawanan ang lahat ng estudyante sa kanya, at oo, ako ang may pinakamalakas na tawa.

            "Tama na!"

Sinigawan ni Robin ang audience sa baba. Natahimik nalang silang lahat. Tiningnan ko si Micca Ella at tumawa lang ako ng mahina. Pero nagulat ako nung bigla siyang lumingon sa akin, at iba ang facial expression ng mukha niya, ibang iba sa Micca Ella na mahinhin at malambot, ngayon, napakatapang ng mukha niya at napuno ito ng galit.

Teka, tama ba itong nakikita ko, ang kulay ng mga mata niya, biglang nag-iba, parang naging....kulay asul, itim. Ano ba ito?

            "Ikaw."

Bigla akong kinilabutan nung narinig ko ang boses niya. Hindi ko maipaliwanag ang tono nun, ibang iba sa normal niyang tono.

Tinuro niya ako, pero bigla nalang akong tumilapon.

~~~~~

[NOBODY's POV] <—- remeber, he's the third person...mwehehehe.

Nagsigawan ang lahat ng biglang tumilapon si Rosella. Pero hindi lang bastang tumilapon. Sa taas nun, para na siyang lumilipad, bumagsak siya sa isang mesa.

Lumingon si Micca Ella sa mga guro na naka-upo sa likuran niya, pagkatapos nun, tinitigan niya ang nasa itaas ng bakal, pagkatapos nun, biglang bumagsak ang mga bakal at gamit ang isipan niya, tinabunan niya ito ng kurtina.

            "Hoy, impakta!"

Lumingon si Micca Ella kay Rosella na kakatayo lang. Itinaas ni Rosella ang kanyang dalawang kamay patungo sa direksyon ni Micca Ella at gamit ang isipan niya, naitulak ni si Micca Ella kaya tumilapon din siya at bumagsak sa isa pang mesa.


Nagulat si Micca Ella sa nakita niya.

Secretly TELEKINETICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon